Matteo at Sarah, mas open na talaga sa public ang relasyon nila; posibleng engaged na

NI: Rose Garcia

NASA audience ng Matteo X Carlo The Repeat ang girlfriend ni Matteo Guidicelli na si Sarah Geronimo bilang pagpapakita nito ng suporta.

Sa isang performance ng actor, bumaba sa stage si Matteo para bigyan ng rose si Sarah at pagkatapos ay hinalikan siya sa noo.

Na-capture ng buong-buo sa video ng fans ang sweet na eksena at siyempre pa, ‘di-magkamayaw sa kilig ang mga AshMat fans.

sarah-matteo

Mas open, mas public na talaga ngayon sina Matteo at Sarah. Hindi nila ito nagagawa dati. In fact, kapag may concert noon si Sarah, dumating man si Matteo ay parang sa backstage lang ito.

Wala na rin ngayong naririnig na pagtanggi mula kay Mommy Divine. Although katwiran ng iba, e, ang tanda na ni Sarah, ‘no!

Minsan nga, naiisip namin, ‘di kaya secretly married na ang dalawa kaya kahit magpunta sa ibang bansa na sila lang ay puwede na?

Pero comment naman ng kausap namin, “‘di pa ‘yan! Baka engaged na!”

Oh well, puwede rin naman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s