Kylie, first time na magko-comedy pero mapapasabak pa rin sa action scenes

NI: Nora V. Calderon

MASAYA ang media conference ng TODA One I Love, ang political romantic-comedy series mula sa GMA News & Public Affairs.

Isang means of transportation ang tricycle, kaya ito ang naisip ng production team na igawa ng story dahil mabilis itong mag-promote ng iba’t ibang produkto at mga political candidates lalo ngayon na papalapit na nga ang local elections.

May aral din silang ibabahagi sa mga televiewers, kaya expected mo nang mapupuno ng katatawanan ang mga eksena ng serye na dinidirek nina Jeffrey Hidalgo at Nick Olanka.

Ang serye ay iikot sa pamilya, dreams, and love sa pagitan ng tatlong bibida, sa pangunguna ng pinakahihintay na nagbabalik na KyRu loveteam nina Kylie Padilla as Angela “Gelay” Dimagiba at Ruru Madrid as Raymond “Emong” Magsino. At ka-love triangle nila si David Licauco as Kobe Generoso.

Ruru Madrid is Emong_

Madadala ba si Gelay ng mga kaguwapuhan at paramihan ng ‘pandesal’ nina Emong at Kobe?  Sino ang pipiliin niya?

For Kylie, “naiiba po sa akin ang serye dahil first time kong magko-comedy, nasanay kasi ako na laging seryoso at iyakan ang mga projects na una kong ginawa sa GMA Network.  Happy ako dahil may kasamang aksyon ang mga eksena ko tulad nang mga nagawa ko noon sa ‘Joaquin Bordado’ at sa ‘Encantadia’.”

Kasama pa ring magbibigay-saya sina Gladys Reyes, Victor Neri, Jackie Rice, Kim Domingo, Tina Paner, Maureen Larrazabal, Raymond Bagatsing at may special participation si Allen Dizon. 

Kasama pa rin sina Cai Cortez, Buboy Villar, Archie Alemania, Kimpoy Feliciano, Ayessha Cervantes at Bruce Roeland.

Nagkaroon ng world premiere ang serye last Monday, kaya sabay itong mapapanood sa GMA Pinoy TV abroad at sa GMA-7 pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.

David Licauco is Kobe_

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s