Judy Ann, nabigyan na ng Youtube ng ‘Silver Play Button’; online cooking show more than 400k subscribers na

NI:  Rohn Romulo

NAKAKUHA na nang more than four hundred seventy three thousand subscribers na ang Judy Ann’s Kitchen kaya ipinagkaloob kay Judy Ann Santos at sa kanyang online cooking show ng Youtube Channel ang Silver Play Button award.

Ayon pa rin sa Wikipedia…

There are currently three different tiers of rewards, plus a fourth that has been awarded only twice:

  1. The Silver Play Button, for channels that reach or surpass 100,000 subscribers. The old version was made of nickel-plated cupronickel alloy. The new version (as of March 1, 2017) is 92% nickel, 5% carbon and 2.5% zinc, with traces of other metals. In March 2018 the look of the Silver Play Button was updated from a metal button housed within a window box with the channel’s name printed on the front glass pane to a cleaner-looking flat designed metal plaque award featuring the channel name’s embossed on it.
  2. The Gold Play Button, for channels that reach or surpass 1,000,000 subscribers. It is made of gold-plated brass. In March 2018 the look of the Gold Play Button was updated from a metal button housed within a window box with the channel’s name printed on the front glass pane to a cleaner-looking flat designed metal plaque award featuring the channel name’s embossed on it.
  3. The Diamond Play Button, for channels that reach or surpass 10,000,000 subscribers. It is made of silver-plated metal inset with a large piece of crystal in the shape of a play button triangle.
  4. The Custom Play Button, for channels that reach or surpass 50,000,000 subscribers. On December 18, 2016, YouTuber PewDiePie was the first YouTuber to receive a red trophy as a gift for reaching 50,000,000 subscribers. He then called it a “ruby play button,” even though YouTube never officially named the award. It was made in the shape of his channel’s logo: a hand giving a “bro fist”, or a fist bump. It also came with several mini-awards to be gifted to subscribers that had been subscribed the longest and were still active.

Judy-Ann-Santos-SilverButton

Mismong sa Facebook Live ng Judy Ann’s Kitchen last January 23 natanggap ni Judy Ann ang kanyang award.

Ayon kay Juday, wala siyang kaalam-alam sa naturang award.

“Hindi pa, wala akong idea, pero ang alam ko nga at some point pagka naka-reach ka na ng 100,000 subscribers, may plaque ka na, pero hindi ko alam na nung araw na ‘yun ibibigay sa akin.

“Tsaka hindi naman ako nag-e-expect kasi baka naman mamaya may iba pa silang… alam mo ‘yun, may iba pa silang kino-consider bago ibigay sa ‘yo ‘yung plaque, so hindi rin ako nagtatanong, kasi hindi naman ako “expectorant” [pala-expect] sa mga ganyan.

“Kasi nung ginawa naman ‘yung Judy Ann’s Kitchen no expectations naman talaga.”

Ano naman ang naramdaman niya nang makakuha ng 473,000 subscribers ang Judy Ann’s Kitchen?

“Siyempre nakaka-proud at tsaka hanggang ngayon parang…hindi naman nakaka-pressure, pero mas nakaka…hindi ako makapaniwala na magiging ganun kalawak ‘yung reach ng Judy Ann’s Kitchen.

“Kasi nung kino-conceptualize naman siya at tsaka nung ginagawa naman siya, basically wala siyang konsepto, ‘yun naman ‘yung totoo dun.

“Nung shinoot na lang namin siya na-realize ko na lang na, ‘Oo nga naman bakit hindi natin ipakita kung ano talaga ‘yung nangyayari sa kusina?’

“Kasi unang-una hindi ko naman ipe-present ‘yung sarili ko… hindi ko naman pine-present ‘yung sarili ko as a chef, kasi hindi naman ako chef.   “Alam ng mga tao na mahilig akong magluto, alam ng mga tao na palagi kong sinasabing passion ko ‘yung pagluluto and ang daming nagtatanong sa akin ng mga kung paano gawin ‘to, paano gawin ‘yan.      “And alam mo naman ako kapagka halimbawang may pinagdadaanan akong isang bagay sa career ko gagawa ako ng isang something na matagal ko ng gustong gawin, tapos dun ko ibubuhos talaga ‘yung sarili ko, di ba?

Judy-Ann-Santos-in-her-cooking-show

“Kaya sinabi ko lang kay Nicky nun sabi ko, ‘Just don’t…ilagay mo lang lahat ng mali, huwag mong tanggalin ‘yung bloopers or ‘yung mga napaso, ‘yung hindi talaga kumulo ‘yung tubig’, ‘yung ganun, kasi ‘yun ‘yung realities ng kusina, tsaka ganun ako magluto.

“Wala siyang expectations so hindi rin ako nag-expect na magiging ganun kaganda ‘yung feedback ng mga tao, especially sa mga bata, dun ako gulat na gulat!

“Parang six, seven years old lumalapit sa akin, ‘I watch Judy Ann’s Kitchen!’

“May mga nagme-message sa amin na ginagawa ng mga anak nila ‘yung mga recipes na ginagawa ko sa Judy Ann’s Kitchen, nai-inspire sila, from zero knowledge of cooking hanggang sa tina-try na nila ‘yung mga recipes,” mahabang tugon niya.

Dagdag pa niya, “Nakakataba ng puso.  Totoo naman ‘yun, wala naman akong nakukuha dito e, apart dun sa alam kong nakaka-inspire ako ng mga tao at may natututunan sila sa akin, at the same time nagiging stress-reliever every Saturday ‘yung Judy Ann’s Kitchen, kumbaga naging Saturday habit nila ‘yung Judy Ann’s Kitchen.

“That alone…kung naiibayad ko lang ‘yun sa pang-shoot ng Judy Ann’s Kitchen wala akong problema at all,”at tumawa si Judy Ann. “Wala akong poproblemahin, hindi ko kailangan mag-season break.”

Wala palang sponsors ang Judy Ann’s Kitchen dahil ayaw muna ni Judy Ann na ang direktor ay si Nicky Daez ng Seabiscuit Films na kapatid ng aktor na si Mikael Daez. 

Mapapanood na ang season 10 ng Judy Ann’s Kitchen sa Sabado, 10:30 am sa Youtube channel na Judy Ann’s Kitchen.

Busy rin ngayon si Judy Ann sa taping ng upcoming TV series niya sa ABS-CBN, ang Starla.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s