Alessandra at Empoy, balik-tambalan sa upcoming film na ‘Walang KaParis’

NI:  Rohn Romulo

BALIK-TAMBALAN sina Alessandra De Rossi at Empoy Marquez sa upcoming film na Walang KaParis na isa sa magiging offering ng Spring Film na nagsi-celebrate ng 10th anniversary sa taong ito.

Nag-post nga ng teaser posters ang Spring Films sa kanilang Facebook last Wednesday, January 30.

“In Full Bloom: Spring Films Marks 10th Year! In this corner of the planet, we have the dull misfortune of having only two seasons, wet and dry.  Much of our culture has been built around these polarities for hundreds of years. “At some point in the timeline, director Joyce Bernal, actor Piolo Pascual, and entertainment businessman Erickson Raymundo decided that a bit of change was in order, and it only took them a decade. Spring is in the Philippines — it has been for 10 years — to watch Philippine cinema grow and flourish in the sun.

sf-walangkaparis

“Si Eugene Domingo noong time na yun, mayroon kaming pelikula na supporting lang siya at artista si Piolo,” Bernal reminisces in between swigs of soju.

“Tawang tawa kami sa kanya. Sabi namin, ‘Gawan natin ‘tong pelikula!’ Nakipag-meeting kami sa writer na gusto ni Eugene na si Chris Martinez, lumabas yung script, ipo-produce namin ni Piolo. Wala kaming alam sa business kaya ipinabasa namin kay Erickson. Si Erickson, gusto nang ariin yung script, tawang tawa na, first draft pa lang. Kami, ‘Okay, Erickson, kalma. Idea namin ito, eh.’”

Kaya noong 2009 nang ipalabas ang Kimmy Dora naging highest-grossing independent film at kumita ng P80 million at nagkaroon pa ng seguel at prequel.

Pahayag naman ni Piolo, “I believe we’re in the renaissance of Philippine cinema, coinciding with its centennial this year.”

“We’re adapting to the times and anybody can be a producer.”

sf-kuya wes

Muli ngang magsasama sina Alessandra at Empoy sa Walang KaParis na magsisilbing comeback film nila after ng successful 2017 romantic comedy movie na Kita Kita, ang highest grossing indie movie sa Pilipinas na kumita ng higit sa P300 million sa loob ng tatlong linggo at nilampasan ang Heneral Luna.

Si Sigrid Bernardo pa rin ang magdi-direk ng movie na nasa likod din ng tagumpay ng Kita Kita.

I-announce pa mga detalye ng pelikula na kukunan sa sa Paris at kung kailan ito ipalalabas.

Bilang opening salvo ng Spring Films magkakaroon ng commercial release Kuya Wes na mula sa direksyon ni James Robin Mayo at pinagbibidahan ni Ogie Alcasid, at mas maayos na ang editing nito na tiyak na ikatutuwa ng manonood ngayong Marso.

Ang iba pang pelikulang nakatakdang ipalabas sa buong 2019, ang “A Short History of Parking Lots,” “Ang Araw ng Itim na Nazareno,” “Children of the Lake,” “Chona: Istariray Is Born,” “Hayop Ka,”, “I’m Ellenya L,” “Maboteng Usapan,” “Post Angst,” “Puppy Love,” “Sunshine Family” at “The Bouncer.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s