Thea at Kate, labis nang kinaiinisan ng netizens sa pagiging kontrabida sa sobrang effective

NI: Nora V. Calderon

GALIT na galit na ang mga netizens sa dalawang batang kontrabida sa telebisyon, sina Thea Tolentino at Kate Valdez, sa mga kamalditahan nilang ginagawa sa kani-kanilang teleserye sa GMA Network.

Hindi na raw nila kaya ang mga ginagawa ni Thea as Venus sa number one afternoon prime  drama series na Asawa Ko, Karibal Ko. Isang transgender si Venus na obsessed sa pagmamahal kay Gavin (Rayver Cruz) at kaya niyang gawin kahit ano ang gusto niya na nakakalusot siya at hindi nahuhuli ang mga ginagawa niya.

kate v-onanay

Aminado naman si Thea na hirap din siya sa character niya dahil hindi naman siya ganoon, sweet siya in person at kahit ang pagpapalaki ng boses niya ay pinag-aralan niya.  Pero thankful si Thea sa pagtitiwala sa kanya ng GMA Network kaya naman pinagbubuti niya ang acting niya kahit naba-bash nga siya sa kasamaan ng character niya.

Si Kate naman as Natalie sa primetime series na Onanay ay hindi rin niya alam na magiging ganoong kasama ang character niya dahil ayaw niya sa tunay niyang ina na si Onay, na little people, played by Jo Berry. 

Kung minsan daw ay kinakabahan siya sa pagbibitaw niya ng dialogue na inaapi ang ina at sinusunod naman ang mga kasamaang itinuturo ng nagpalaki sa kanyang lola niya, si Helena (Cherie Gil).  Like Thea umaani rin ng bashings si Kate, pero sabi nga effective ang acting nila kaya nagri-react ang mga nanonood sa kanila.

thea t-asawa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s