Super Tekla, ‘di napigilan na maiyak nang muling makita ang anak, maraming netizens ang nadala

NI: Ruel J. Mendoza

MARAMING netizens ang naiyak sa naganap na reunion ng Kapuso comedian na si Super Tekla at ng anak niyang si Airah sa Iloilo kamakailan.

Ayon sa binalita sa GMA News Online, nasa Iloilo si Tekla dahil kasama siya sa show nila Christian Bautista at Julie Anne San Jose na The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only.

Kasama rin sa show sina Donita Nose at ang The Clash champion na si Golden Cañedo.

Hindi napigilan ni Tekla na maiyak nang magyakapan sila ng kanyang anak na matagal na niyang di nakikita.

Inaamin naman ni Tekla na kapag ang anak na niya ang napag-usapan, hindi puwedeng hindi siya iiyak.

“Masaya ako na nagkita ulit kaming mag-ama. Very precious moment.

“Sa sobrang busy ko, ‘di ko siya napapasyalan sa Bacolod.

super tekla

“Kaya pinapunta ko sila sa Iloilo para kahit isang buong araw at isang gabi magkasama kami at syempre para mapanood naman niya ako ng live sa concert nga ng The Sweetheart and the Balladeer.

“Napakasaya ko kasi for how many years, ngayon ko lang ulit siya nakatabi pagtulog. Yakap ko siya habang nanonood kami ng mga video ko sa Youtube. Paggising ko, yakap ko kaagad sya.

“Ang sarap ng feeling pero ang bigat nung nagpapaalam na kami. Siya babalik na ng Bacolod, kami Manila na. Pero isang taon na lang makakasama ko na sya. Dito na sa Manila sya mag-aaral,” pahayag pa ni Tekla.

Sapat na raw ang naiipon ni Tekla para makasama na niya ang kanyang anak dito sa Manila. Kaya na raw niyang tustusan ang pag-aaral nito at iba pang pangangailangan nito na hindi niya nabigay noon.

“Babawi ako! Yun naman lagi ko sinasabi sa kanya. Mahal na mahal ko anak ko. She’s my angel,” pagtatapos pa ni Tekla na masaya rin dahil sa mataas na rating na nakuha ng pilot telecast ng The Boobay And Tekla Show nila ni Boobay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s