Ruru, napaamin na si Bianca nga ang kanyang inspirasyon; willing daw magpa-convert ang teen actress

NI:  Rohn Romulo

Ruru Madrid is Emong_

SA ginanap na presscon ng upcoming Kapuso political rom-com series na TODA One I Love noong January 30, biglang napaamin si Ruru Madrid na parang inspirasyon niya ngayon si Bianca Umali.

Kahit noong una ay halatang-halata ang leading man ni Kylie Padilla sa pag-iwas na pag-usapan ang kanyang love life.

Ayon kay Ruru, “Siyempre ako, hindi ko naman po itatanggi na…

“Si Bianca, she’s one of the prettiest girls I know, hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

“Pero kumbaga, kahit sinong tao puwedeng magkagusto sa kanya.

“Pero sa Sunday PinaSaya kasi, sobrang magkakaibigan kaming lahat, e.

“Iisa kami, para kaming pamilya diyan, so hindi naiiwasan na nagkakasama-sama kami.

“Nagkakataon siguro na nakikita kami together, napi-picture-an kami together.

“Pero kaibigan, e, kaibigan.”

Ito naman ang naunang pahayag ni Ruru bago niya aminin ang tungkol kay Bianca, “Sabi ko na nga ba, eto na nga po, e!

“Ayun, siyempre po sobrang love ko po talaga ang work ko ngayon… nae-enjoy ko.”

Gladys Reyes as Mayora Dyna_

Bigla naman humirit ang co-star nila na si Gladys Reyes, na katabi namin habang ini-interview si Ruru, “‘Yan yung pang-showbiz, e, yung totoo naman?”

Priority raw niya ang trabaho kesa sa lovelife.

“Hindi… kasi para sa akin ngayon kasi, talagang priority natin ang ‘TODA One I Love’.

“Siyempre ako, bilang artista, gusto ko magustuhan talaga ng mga tao ito.”

“Sa akin naman po kasi, siyempre hindi natin masasabi ang mga bagay na ganyan.

“Kumbaga ako, as long as ngayon ginagawa ko itong trabaho ko na ito, feeling ko dito tayo mas magpo-focus.

“Ako, naniniwala ako sa… kung iyan talaga ang ginawa ng Diyos para sa iyo, kung darating at darating ‘yan, darating talaga kahit pa may trabaho ka.”

So, priority talaga niya ang career?

“Hindi, siyempre po, hindi ko naman po sinasabing sobrang priority, career,” sagot niya.

“Ang career po kasi, siyempre sobrang love ko ito, sobrang love ko ang craft ko, ang ginagawa ko.

“Pero iyon nga po, pagdating po sa love life na ‘yan, kung talagang iyan nga po ang ginawa ng Diyos para sa iyo, darating at darating ‘yan.

“Kahit pa may trabaho ka, kahit pa sobrang grabe yung ginagawa mo, busy ka, darating ‘yan.”

bianca u

Pero hindi pa raw dumarating ang hinihintay niya, nag-aabang pa rin siya, na mukhang si Bianca ang tinutukoy niya.

Pag-amin pa ni Ruru sa real score sa kanila ni Bianca, “Hindi, sa akin naman kasi… sige na nga, diretsuhin ko po kayo.

“Yung tungkol po sa aming dalawa, masasabi ko po na hindi pa po… hindi pa.

“Sa amin kasi, kumbaga, mas nagpo-focus kami ngayon sa work, e.

“Right now, I’m doing TODA One I Love, and she’s doing… ang dami—Daig Kayo Ng Lola Ko, Sahaya…

“So, ang dami niyang ginagawa.

“So, paano po natin ngayon ipag-aano ‘yan! Kung sakaling kami or… di ba?”

Naisingit pa ni Gladys nang makausap daw niya si Bianca sa taping ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’, ‘kung sakali ba at willing itong magpa-convert sa Iglesia Ni Cristo na kinabibilangan nila ni Ruru.

“Willing,” nakangiti pang sambit ni Gladys.

Nilinaw din ni Ruru na hindi sila pinagbawalan ng GMA management kahit may ka-loveteam sila, si Bianca at Miguel Tanfelix na Biguel, na mapapanood soon sa prime-time series na Sahaya.

At si Ruru nga ay balik sa pakikipagtambal kay Kylie sa TODA One I Love na mula sa direksyon nina Jeffrey Hidalgo at Nick Olanka, mapapanood na ang world premiers sa February 4 sa GMA Telebabad

Kylie Padilla is Gelay_

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s