Nora, biglang nagbago ang desisyon kaya pinalitan na lang; Sylvia, nakikiusap na ‘wag i-compare sa nag-iisang Superstar

Ni:  Rose Garcia

TOTOO nga pala na original choice na gumanap sa pelikulang Jesusa ay ang Superstar na si Nora Aunor.

Inamin din ito ng writer/director ng movie na si Ronald Carballo.

Kinuwento rin niya kung ano ang nangyari at hindi natuloy si Ate Guy, sa halip ay ang aktres na si Sylvia Sanchez na nga.

Sey ni direk Ronald, nagkita’t nag-usap sila nang maayos ni Ate Guy about the film. Maraming kundisyon ang Superstar at pumayag siya sa lahat ng gusto nitong mangyari.

Isa nga sa kundisyon ni Ate Guy ay iba raw ang day effect sa night effect shooting nito.

“So, ‘yung 1 day , definitely, magiging 2 days. Kasi, pag day effect lang daw siya, 8am to 5pm lang siya. Pag night effect siya, 4pm lang siya to 9pm. So, mahahati into two days talaga ‘yung isang araw,” kwento ni direk Ronald.

nora aunor

So, sa madaling sabi, pumayag siya at ginawa na ang kontrata. Na ang nakalagay naman sa contract ay ‘yung lahat ng napag-usapan nila.

Pero nang magpipirmahan na ay nabago na ang isip ng Superstar at maraming mga tinatanong pa gayung nagkasara na nga sila verbally.       Hanggang sa nagdesisyon na rin sila ng producer at ng buong production team na palitan na si Guy.

“Gabi ko tinawag sa handler (ni Nora) na papalitan na siya, the following day, as early as 8 am, tumatawag yung handler at sinabing pumapayag na raw si Ate Guy sa kung anumang lahat ng nakalagay sa contract.

“So, hindi na ako talaga pumayag kasi unang-una, sabi ko, imi-meet ko na ‘yung ipapalit namin sa kanya. At ito nga ay si Ibyang.”

Sylvia-Sanchez

Tinitingnan na nito na blessing in disguise na hindi natuloy si Ate Guy dahil hangang-hanga ito sa ipinamalas ni Sylvia sa movie.

Ayon dito, “Nung napunta kay Sylvia, talagang nabura lahat ‘yung sinabi kong hindi ko gagawin ang pelikula kung hindi si Nora Aunor kasi nakita ko kung gaano ka-professional si Miss Sylvia Sanchez, kung paano niya tinackle ‘yung role, na eventually, naisip ko talaga na siya talaga ‘yung ibinigay para mas lalong mapaganda ‘yung pelikula at maisabuhay ‘yung isang materyal na pangarap ko talagang gawin na matagal kong itinago.”

Nang matanong naman si Sylvia, deretsahan nang sinabi ng aktres na sana naman daw ay huwag silang pagkumparahin ni Ate Guy dahil lang sa pinalitan niya ito sa Jesusa.

“Gusto ko lang sabihin na please, huwag n’yong gawin na i-compare ako kay Ate Guy kasi ni katiting sa narating ni Ate Guy, hindi ko narating ‘yun. Ate Guy is Ate Guy. No comparison. Irespeto natin ang Superstar dahil pinaghirapan ni ate Guy ‘yan. Pinaghirapan niya ‘yan.”

IMG_4179

“Isa ako sa rumerespeto at humahanga kay Miss Nora Aunor, sa Superstar natin. At kahit anon’g mangyari, kahit hindi niya ‘to nagawa, ako ang gumawa, di niya natanggap, ako ang tumanggap, lalapit pa rin ako sa kanya at sasabihin ko nang walang yabang, ‘ikaw pa rin ang nasa top, ikaw pa rin ang nirerespeto ko, ikaw pa rin nag-iisang Nora Aunor’.”

“Nora Aunor is Nora Aunor! Walang makakapantay, walang makakalagpas!,” dagdag pa ng aktres.

Ang Jesusa ay mula sa OEPM Productions at kasama rin sa cast sina Ynez Veneracion, Allen Dizon, Malu Barry, Uno Santiago, Beverly Salviejo at marami pang iba. Ipalalabas ito ngayong summer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s