Heart, may ginawang project sa China pero itinangging para sa part 2 ng ‘Crazy Rich Asians’

NI: Rose Garcia

AFTER ilang days o week ni Heart Evangelista sa China, nagpu-post na ito ng pagka-miss sa asawang si Senator Chiz Escudero.

May ginagawang project si Heart sa naturang bansa na hindi pa niya ma-reveal kung ano.

Marami na ang nanghula at nag-assume na part 2 ito ng pelikulang Crazy Rich Asians, pero itinanggi ni Heart.

Sinabi niya sa tweet niya na, “For those of you asking I am not in China to film for crazy rich 🙂 I am here for something else — can’t wait to share,”

heart-evangelista-cra

Nabawasan na ang pagka-miss ni Heart sa sa pamilya dahil may post na ito na kasama si Sen. Chiz at ang dalawang anak nito na sina Chesi at Quino. Kitang-kita naman na masaya talaga si Heart na nakasama niyang muli ang mga ito.

Sabi nga niya, “I’ve been waiting for this day for forever! I’m finally reunited with my family in China! I can’t wait to spend a day with this bunch.”

Nag-post din siya ng larawan nila ng mister habang magkasamang naglalakad at ang caption niya, “infinitely happier now that my hubby’s around.”

Medyo na-confuse lang kami sa project na ito ni Heart na itinanggi niya agad na hindi CRA2 dahil may nakausap kaming nakasama niya at hindi man nito tahasang sinabi na sequel nga ng movie ang dahilan kaya nandoon si Heart, parang give-away naman ang sagot niya sa amin na yun nga yun.

Naiintindihan namin na hindi ito makapagkuwento dahil may pinirmahan silang bawal magsalita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s