Bandang Agsunta, biglang nag-sign-off sa kanilang YouTube account dahil sa pamba-bash

NI:  Rose Garcia

FINAL na nga ba na iiwan na lang ng bandang Agsunta ang kanilang You Tube account dahil sa mga bash, hindi magagandang salita na natatanggap nila o posibleng panunguwestiyon ng ibang grupo?

Ganito kasi ang nangyayari ngayon nang biglang mag-sign-off ang Agsunta sa kanilang YT na sa totoo lang, hindi biro ang subscribers dahil meron silang mahigit 600,000 subscribers ha.

Kapag hinanap pa rin ang official YT nila na Agsunta makikita pa rin ito, pero wala na ang lahat ng ini-upload nilang mga cover songs at maging mga original songs nila tula ng “‘Di Ba Halata?, “Wakasan” at ang theme song ng Kapuso Primetime series na Cain at Abel kunsaan, sila ang kumanta.

Nabasa namin ang mga comments ng netizens na siguradong karamihan sa mga ito ay subscribers din nila sa YT. Halos lahat ay malungkot, naiiyak at nakikiusap na ‘wag naman daw ihinto ng Agsunta ang pag-a-upload ng mga kanta nila sa YT.

agsunta1

Meron din kasi silang #AgsuntaSongRequests kunsaan, gina-grant nila ang mga request ng subscribers nila na kantahin nila at ia-up nila yun sa YT.

Pero kung babasahin ang mga comments at nakasubaybay talaga sa kanila, nababanggit ang isa pang banda, ang December Avenue na diumano’y posibleng isa sa dahilan kung bakit itinigil ng Agsunta ang YT nila. May tweet kasi ang frontman ng December Avenue na si Zel Bautista na kinukuwestiyon nito ang mga singers na gumagawa at pinagkakakitaan daw ang mga cover songs.

Ang netizens ang nag-react at nagtanong kung Agsunta raw ba ang pinatatamaan nito. Nag-react din ang ibang O.P.M. singers sa tweet niyang yun. Tuloy, ang daming nagre-react na ano raw masama kung mag-perform ng mga cover songs. May nagsabi pa na mas maganda pa nga raw ang version ng Agsunta minsan than the original.

Wala namang malinaw na maisagot sa amin si Perry Lansigan kung ano ang nangyari at plano, pero bilang manager, nirerespeto raw niya ang desisyon ng mga ito at susuporta lang ang PPL Entertainment, Inc. Pero isa rin daw siya sa magdarasal na sana, ibalik pa rin.

Somehow, feel namin na hindi matitiis ng apat ang mga tagahanga nila at posibleng magbalik din sila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s