Sylvia, naging emosyunal at ‘di na napigilang magsalita sa natatanggap nilang death threats

NI:  Rohn Romulo

HINDI na napigilang magsalita ni Sylvia Sanchez tungkol sa pagpatol niya sa ilang bashers sa Twitter noong Biyernes, January 24 na kung saan hinamon niyang makipagkita ng personal at magkausap nang harap-harapan.

Patuloy kasi silang bina-bash ng mga fans mula nang ma-link ang anak niyang si Arjo Atayde sa Kapuso star na si Maine Mendoza.

Naganap nga ito after ng press conference ng kanyang movie na Jesusa, noong Martes, January 29.

sylvia & arjo

Ayon kay Sylvia, “Ngayon lang ako magsasalita, ito na yun.

“Sobrang mahal ko yung pamilya ko, sobrang mahal ko ang mga anak ko, ang asawa ko, ang buong Atayde family, ang pamilya ko, sobrang mahal ko.

“Since September hanggang last Friday, wala akong inalmusal kung hindi… bawat gising ko, puro mura, puro pambabatikos, puro panlalait sa mga anak ko, sa akin, sa asawa ko, sa buong pamilya.”

“Basta pinagmumura ako ng kung anu-anong klaseng mura na masasakit, nilalait ang pamilya ko, kung anu-anong ginagawa.

“Tahimik ako, ayokong patulan. Kasi sabi ko, mawawala din yun.”

“Last Friday, merong isang account na tinag ako.

“Ang sabi niya, ‘Sylvia Sanchez, ina ka rin, nakikiusap ako na pagsabihan mo si Arjo na tigilan na niya si Maine, nasasaktan ako bilang ina rin ni Maine, bilang ina, durog-durog na si Maine sa sobrang panggagamit ni Arjo.’ Ganun yung message.

“Ngayon, sinagot ko yun kasi sinabihan akong nakikiusap ako, ina sa ina.

“Sinabi ko, sige. Ginawa ko, sinagot ko siya.  Sabi ko, ‘O, sige, ina rin ako.’

“Naintindihan ko ang nararamdaman ni Arjo at ni Maine, naiintindihan ko yung nararamdaman ko, kasi binanggit rin yung mommy ni Maine.

“Sabi ko, ‘Naiintindihan ko at naiintindihan kita, tara usap tayo. Kita tayo sa isang hotel.'”

Dagdag pa ng premyadong aktres, “Noong sinabi ko yun na magkita tayo, noong sinabi ko na mag-usap tayo, totoo yun, galing yun sa puso ko bilang, sabi niya, ina siya.

“Gusto kong makipag-usap din sa kanya bilang ina rin. Sabi ko nga sa kanya, ‘Ina sa ina, usap tayo.’

“Hindi ako makikipag-usap sa kanya dahil manggugulo ako, hindi ako makikipag-usap sa kanya dahil mang-aaway ako. Hindi ako palaaway na tao.

“Siya ang unang nagsabi sa akin na ina siya. Ina din ako, di ba, dapat nag-uusap nang maayos.

“Ngayon, kung ano man yung sabi ko na dapat pag-usapan ang problema, noong sinabi kong usap tayo, I meant it.”

Maine-Mendoza1

Pero bumigay na si Sylvia nang isiwalat na may pagbabanta na ang ilang fans na papatayin ang kanyang mga anak at asawa.

“Ngayon, gusto ko lang sabihin sa inyo na bukod sa mura, bukod sa panglalait, bukod sa pamba-bash sa aming lahat, nakakita ako ng account na nagsasabi na, ‘Patayin si Arjo, patayin natin si Ria, patayin natin si Sylvia, patayin natin ang pamilya Atayde.’

“Hindi lang ‘yan dalawa, meron pa. At meron pang nag-post diyan na, ‘Isang bala ka lang.’

“Pag nakita natin yung nag-uusap, alam natin na si Arjo ang tinutukoy.”

Mas nanaisin pa raw niyang siya nalang na lang ang patayin at huwag na ang kanyang pamilya.

“Ngayon, ako bilang ina, sabihin mo na sa akin lahat ng masasakit na salita, laitin mo na pagkatao ko, halughugin niyo na ang nakaraan ko, sabihin niyong patayin niyo na ako, okay lang.

“Pero mabasa ko yung sasabihin at babantaan yung mga anak ko, tiniis ko lahat since September.

“Bumigay ako noong Friday, last Friday. Ina ako na nagtitimpi, ina ako na nasasaktan para sa mga anak ko.

“Kahit sinong ina na lalaitin ang anak mo, masakit yun. Tiniis ko yun.

“Pero yung makita ko na sabihin ng mga AlDub Nation fans—hindi man lahat kasi naniniwala pa rin ako na merong mga fans ang AlDub na mababait, na good heart, pero meron ding mga bashers talaga.

“Ito na lang pakiusap ko sa inyo bilang ina, yung pagbabanta niyo na patayin si Ria, si Arjo, ako, asawa ko—ako na lang. Ako na lang.

“Barilin niyo ako, patayin niyo ako, tanggapin niyo ang buhay ko sa akin, tatanggapin ko, ako na lang.

“Bilang nanay, huwag na ang mga anak ko. Huwag na sila.

“Ako na lang nakikiusap ako, ako na lang patayin niyo!

Samantala, ang Jesusa at dinirek ni Ronald Carballo at prinodyus ng OEPM (Oeuvre Events and Production Management).

Kasama rin sa cast sina Allen Dizon, Empress Shuck, Ynez Veneracion, Mara Lopez, Malu Barry, Vince Tanada, Mon Confiado Fanny Serrano, Dean Rafols, Beverly Salviejo, OJ Bacor at introducing si Uno Santiago.

Malamang na itapat sa Mother’s Days ang showing ng Jesusa sa mga sinehan nationwide.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s