Iñigo, tiyak na nanghihinayang na ‘di napanood na kinanta nina Sandara at Seungri ang ‘Dahil Sa ‘Yo’

NI: Rose Garcia

MALAMANG na ilang araw na ay nanghihinayang pa rin si Iñigo Pascual na hindi siya nakapanood ng live ng The Great Seungri Show ng South Korean singer at pinaka-bunso ng grupong BIGBANG sa MOA Arena kunsaan, special guest si Sandara Park.

Napanood na lang ni Iñigo sa mga fan videos uploaded ang duet nina Sandara at Seungri na ang kinanta nga ay ang hit song niyang “Dahil Sa ‘Yo.”       Unang post pa lang ni Iñigo, napalitanya na ito baka raw nahimatay siya kung nandoon siya mismo sa arena.

Ini-repost ni Iñigo ang video post ni Seungri ng concert niya sa Manila na ang background music ay mismong ang cover song ng “Dahil sa ‘Yo”. Kaya mas lalo pa itong na-overwhelm.

sandara-park-seungri

Sa caption ni Iñigo sa kanyang Instagram account, “Hindi ko po alam kung paano ko idedescribe ang nararamdaman ko, kase minememorize ko yung mga kanta nyo! Isang malaking pangarap ang marinig at makita ang isa sa mga iniidolo mo na kinakanta ang kanta mo.

“Napakalupet ng cover na to, sobrang galing ng pagbigkas ng bawat salita. Maraming Salamat @daraxxi dahil nirecommend nyo po kanta ko! I love you forever! Sana makaduet ko kayo in the future. Wow! Haha libre mangarap!

“Thank you for singing a Tagalog song, ang sarap lang sa pakiramdam makakita ng foreign artists na kumakanta ng tagalog! #OPM.”

Anyway, nadaig namin si Iñigo dahil live kaming nakapanood at talaga namang well-applauded ang duet ng dalawa at napakahusay ni Seungri sa pagkaka-awit ng Tagalog song niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s