Arjo, pinangangatawanan na talaga na ‘exclusively dating’ sila ni Maine

NI:  Rohn Romulo

NATULOY pala ang movie date nina Arjo Atayde at Maine Mendoza last week sa Powerplant Mall sa Rockwell Center.

Base ito sa nilabas na photos ng @armainenatics, hindi nga lang sila nakunan na magkasama, kaya pinagtatalunan na naman kung bakit hindi pa sila magkakuha na magkasama.

Ito yun araw na lumabas ang ‘fake news’ na pinakalat daw ng AlDub fanatics na binawi ni Arjo ang sinabi nitong ‘exclusively dating’ na sila ni Maine.

At isa nga ito sa bagong evidence na totoo nga ang sinabi ni Arjo na walang ibang dini-date si Maine, kung hindi siya lang.

May nagsasabi na may pelikula pa raw si Arjo, ang ‘Tol na palabas na, kaya panay-panay daw ang pagyayaya nito kay Maine na makipag-date.

Pero sa tingin naman ng iba, seryoso talaga si Arjo sa ginagawa niyang panliligaw kay Maine at mukha namang may pag-asa siya dahil palagi naman sumasama ang Eat Bulaga host sa tuwing siya’y magyaya ng date.

maine m1

Sabi ng isang AlDub fan, “Maine can date whoever she wants

“Arjo can date whoever he wants

“Alden can date whoever he wants

“Let these people live.”

“Ako I’m an AlDub fan but Im happy for Maine especially that she found someone who is proud of her and is willing to go through all the struggles to be with her. And yes, you don’t need to announce in socmed para masabi na proud ka. proud din yung nagdedate kayo in public and you introduce your girl to people who matter in your life.”

“Aldub fan here. The kilig was fun while it lasted. I know when to separate real from reel. I’m happy for Maine. Arjo seems to be someone who will fight for someone worth fighting for…and magaling umarte. :)”

May nag-comment pa tungkol sa pagiging toxic ng fans nina Alden Richards at Maine, “At the height of the alden-maine popularity, naging fan ako. After a while I moved on na din. Pero never in a million years ko inixpect na after a few years magiging ganito ang fandom ng aldub. Sobrang demanding at toxic to the point where they think they own both and control nila ang buhay nila. Like alden and maine OWE them. To an extent, oo, fans are part of their success, pero my gosh, parang gusto nilang gawing kulto ang aldub! Ang weird nila. Leave the two alone! Admire them but keep a respectful distance . Di po kayo ang buwan at araw nina alden at maine, nakakaloka!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s