Robin, inaming na-miss ang paggawa ng isang big-budget action film; nahirapang maging kamukha ni Gen. Bato

NI:  Ricky Calderon

GINAGAMPANAN ni Robin Padilla ang papel ni former Philippine National Police Ronald “Bato” Dela Rosa upcoming true-to-life movie.

Ang Bato: The General Dela Rosa Story, ay kwento ng colorful na buhay ng dating PNP Police Chief. Pero sa kwento ng isang pulis na handog ang kanyang buhay at loyaty sa kanyang bayan, ipinapakita rin sa pelikuka ang ibang persona ni Bato.

Ito ang unang movie ni Robin na idi-distribute ng Regal Entertainment. Robin is a certified Viva star na nagpasikat sa kanya. Sa presscon ng Bato ay idiniklera ng action superstar na isa na siyang Regal baby.

Madali lang naman iportray si General Bato pero ang nahirapan ako ay kung paano siya magiging kamukha physically,” pahayag ni Robin na excited na makasama sa movie ang ilan sa mga sikat na action stars noong panahon na namamayagpag ang action genre sa film industry.

robin-bato

Ipapakita sa movie kung paano nagsimula ang lahat para sa dating PNP Chief: mula sa isang simpleng bata sa probinsiya, na ang morals at ideals ay hinubog ng kanyang idealistic na ama, ang tao na nangarap na maging defender of the good si Bato sa kanyang paglaki.

Very inspiring ang kwento ni General Bato. Kung titignan natin ay sobrang tapang niya pero isa siyang mapagmahal na ama at asawa,” wika ni Robin.

Unang movie ni Robin sa award-winning indie director na si Adolfo Alix, Jr.

“Nag-enjoy ako na katrabaho si Direk. Wala siyang insecurity sa katawan. Hinayaan niya na mag-collaborate kaming dalawa kung paano ko gagampanan ang aking character. Hinayaan niya akong i-portray ang role base sa sarili kong interpretasyon.”

Anong leksyon ang makukuha ng audience sa kwento ni General Bato?

“Kahit na mahirap ang buhay, basta magsusumikap ka at magiging masigasig, matutupad mo rin ang mga pangarap mo. Magiging mabuti ang buhay mo basta magtrabaho ka lang at mag-focus sa pangarap mo,” sabi ni Robin.

Inamin ni Robin na-miss niya ang paggawa ng isang big-budget action film pero sulit na naman daw ang ibabayad ng mga tao sa ticket.

“Bawat artista na makikita ninyo sa mga eksena ay nagpakahirap para sa ikagaganda ng pelikula,” wika ng action star.

Kasama rin sa movie sina Beauty Gonzales, Alvin Anson, Archie Alemania, Joko Diaz, Ricky Davao, Gardo Versoza, Gina Alajar, Kiko Estrada, Kiko Matos, and Polo Ravales, among others.

The film will open in cinemas on January 30 and marks the debut of ALV Films in the local film industry.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s