Kris, Bea, Janine at Tom, ilan lang sa mga Kapuso stars na sikat na Latin Amerika

NI:  Ruel Mendoza

SIKAT na sikat ang mga Kapuso stars na sina Kris Bernal, Bea Binene, Derrick Monasterio, Tom Rodriguez, Lovi Poe, Sunshine Dizon, Janine Gutierrez at Gabby Concepcion sa Latin America dahil kasalukuyang pinapalabas doon ang kanilang mga pinagbidahang teleserye.

Mapapanood nga ang mga GMA teleserye na Impostora, Legally Blind, Someone To Watch Over Me, Hanggang Makita Kang Muli at Ika-6 Na Utos dubbed in Spanish sa mga bansang Ecuador, Uruguay and Peru.

Natutuwa nga si Kris dahil nakakatanggap siya ng mga mensahe mula sa mga fans na taga-Latin America.

“Gustung-gusto nila ‘yung Impostora. Tapos may mga nagme-message sa akin na, alam mo ‘yon, sa ibang lenguwahe pa rin.

“Hindi ko alam kung paano ko magre-reply. Gusto pa nilang magpagawa ng video greetings,” sey ni Kris.

Si Bea naman daw ay gumagawa ng paraan para makapag-communicate siya sa kanyang mga Spanish speaking fans na nanonood ng Hanggang Makita Kang Muli.

“Nagdi-DM (Direct Message) talaga sila. Tapos ‘yung mga sinasabi nila Espanol pa kasi feeling ko baka hindi marunong mag-English.

“So ako ginu-Google Translate ko pa, tapos sasagot ako English, igu-Google Translate ko rin, gagawin kong Spanish,” sey ni Bea.

Si Janine naman ay nakapanood ng Legally Blind na dubbed in Spanish at tuwang-tuwa siya rito.

“Napapanood ko ‘yung mga videos ng Legally Blind na naka-dub in Spanish so sobrang nakaka-aliw lang.

“Kasi nu’ng bata ako, paborito ko ‘yung Marimar, Rosalinda na naka-dub in Tagalog. So for me, to see na ‘yung ginawa namin na show, baligtad naman, dubbed in Spanish tapos pinapalabas sa Latin America, sobrang nakakatawa. Saka hindi kami makapaniwala,” sey pa ni Janine.

Happy naman si Tom na nagiging paborito ng ibang lahi ang isang teleserye na malapit sa kanyang puso.

“That’s such a pleasant surprise for 2019. Parang ang sarap kasi like I said, that was another project that’s near, dear to my heart,” sey pa ni Tom.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s