Arron Villaflor, masaya ang pasok ng taon dahil sa dami ng projects

NI: Throy Catan

MASAYANG-MASAYA ang feeling ng Heneral Luna star na si Arron Villaflor sa kanyang career. Meron siyang upcoming digital series under Dreamscape, at isang horror movie with Jodi Sta. Maria.

Nakausap namin si Arron during the Prestige Uncover 2019 event na ginanap sa Vikings sa Mall of Asia. Isa sa mga major endorser ng Prestige si Arron.

“Maganda raw ang 2019 ko at nararamdaman ko siya. Ako, happy ako whatever it is as long as I do my work… Magaan, eh. Malalaman mo iyung crowd sa iyo ay magaan or mabigat. This 2019, I’m praying and claiming [na tumagal ako] as a Prestige model.” Masayang sabi ni Arron.

Binahagi rin ni Arron ang bago niyang show na ipapalabas lang online. For now, wala pang binanggit na title ang nasabing digi-series. Ano kaya ang masasabi niya sa dumaraming digi-series ngayon?

“Ano na tayo ngayon, digital na tayo. Welcome to digi world! Ten years from now for sure lahat ng teleserye [online na]… Somehow kailangan natin mag-adjust din siguro. Kung ano ang mas mapapabuti sa kanila as long as may trabaho tayo.” Sabay tawa si Arron.

Gaganap na pari si Arron sa bago niyang movie with Jodi Sta. Maria na may working title na Clarita. “It’s a horror film. It’s a story about possession. So, medyo deep ang story. Medyo kailangan pag-aralan ng mabuti. Kanina lang nagbabasa ako ng script all the way here kasi medyo critical kasi may Latin words.” Deklara niya.

Nakilala si Arron Villaflor bilang si Joven Hernando sa pelikulang Heneral Luna at Goyo: Ang Batang Heneral. Nanalo ng dalawang Best Supporting Actor award sa pelikulang Mamu; and A Mother Too sa Cinema One Originals 2018 at sa 3rd GEMS Hiyas ng Sining.

Tinayo ni CEO Mannix Carancho ang kanyang beauty company na Mannix Carancho Prestige Corporation. Ito na ngayon ay isa sa mga leading corporation na nagpo-produce ng skin care products para sa lahat.

Maliban kay Arron, ang top endorsers ng Prestige ay sina Albie Casiño, Ion Perez, Wryan ChuaGreg HawkinsKatrina Halili, and more.

Celebrities with CEO Mannix Carancho

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s