Arjo, game na makasama si Alden sa movie, pero ‘wag na lang si Maine

NI:  Rohn Romulo

SA presscon ng comedy film na ‘Tol na na showing na sa January 30, natanong si Arjo Atayde kung open ba siya maging leading lady si Maine Mendoza sa movie.

Matatandaang una silang nagkasama sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles, pero si Coco Martin ang ka-partner ni Maine, at gumanap naman siyang kontrabida.

Pero mukhang hindi type ni Arjo ang idea na muli silang pagsamahin na ni Maine na “exclusively dating” na ang kanilang relasyon.

“I’m on the personal side, never ko talagang naisip na trabaho agad, magiging leading lady,” ayon sa pahayag ni Arjo.

“No, this is on a personal level, this is not a showbiz thing.

“This is totally on a personal level, we haven’t talked anything like that.

“If ever we will do something, thank you Lord if ever we work together.

“But if we don’t, it doesn’t really matter. What matters to me is the personal side.”

maine mendoza

Pero mukhang okey naman siya na makatrabaho si Alden Richards na ka-loveteam nga ni Maine.

“I’m open to working to anyone, I already said this a lot of times. Wala akong pinipiling artista.

“And if the production team, the bosses think the actor fits the role, that’s how I am.

“I’ve been working for seven years and I’ve been working with all these actors left and right, and I have no say.

“I’m just very thankful kasi yung mga ibinibigay sa akin na mga katrabaho ko, mahuhusay. I’m learning that way,” mahabang sagot ng tisoy na aktor.

Natanong din ang aktor kung may plano bang magpa-blocking screening si Maine para sa ‘Tol, o samahan siya nito sa premiere night sa January 30.

“We haven’t talked about it, and Maine has nothing to do with my work at all. This is me.

“If she goes and supports me, thank you. But if she’s busy, I’ll understand.

“As far as I’m concerned, wala akong sagot diyan. We haven’ talked about it,” sagot pa ng co-star nina Joross Gamboa at Ketchup Eusebio.

ria-atayde1

Aminado naman si Arjo na nakita niyang naapektuhan ang kanyang pamilya dahil sa kabi-kabilang pamba-bash sa kanila simula nang ma-link siya kay Maine.

“Naapektuhan sila somehow kasi we never get bashed before,” sambit niya.

“Wala lang, they’re kind of irritated, but what triggers me is the fact that people around me are kind of affected, my dad, my sister…

“These guys don’t know what they are talking about. It’s not even factual.”

Napaanood namin na naging emosyunal din si Ria Atayde sa isyu nang panggamit nila kay Maine nang sa mag-guest ito sa Tonight With Boy Abunda.

Pahayag ni Arjo, “I cried.

“Sabi ko, that’s sweet, she’s really protective. Teary eyed, I was really happy.

“Ria is my best-best friend out all the best friends. Siya is my pinaka-best friend ko.”

Tungkol naman sa isyung ginagamit lamang niya si Maine: “If they question whatever I have right now, then good for you.

“I will just keep working. Hindi ko naman pinangarap sumikat, maging bida. Gusto ko lang umarte.

“So whatever they say will not affect me at all.

“Hanggang bashing lang ‘yan, hanggang social media lang ‘yan.

“They can never come out, come out and talk to me to my face.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s