Ara Altamira, bongga ang career ngayong 2019

Ni: Throy Catan

Enero pa lang ay sunud-sunod na ang mga projects ni Ara Altamira. Masaya ako sa development ng career ni Ara at hangang hanga ako na pinagsasabay niya ang mga projects niya sa Kapuso at Kapamilya.

Nakausap ko si Ara last Friday, January 18, at kung ano na ang takbo ng kanyang career:

PB: Anong projects ang ginagawa mo ngayon?

Ara: For now, iyung Daddy’s Gurl pa rin. So, regular na ako doon. Once or twice a week din ang shinu-shoot namin. Kung tatagal siya for now until April ang schedule namin, pero siyempre maganda kasi iyung rating so hindi natin alam kung tatagal pa iyun.

PB: Ano ang role mo sa Daddy’s Gurl?

Ara: I’m the office mate ni Maine Mendoza. So, iyung name ko doon ay si Chloe. Every time nasa office siya, may eksena ako roon.

PB: Any other projects other than Daddy’s Gurl?

Ara: Actually, iyung may ginagawa kaming episode ng Ipaglaban Mo. I think at the end of January or February ipapalabas. Starring Ruffa Mae Quinto. Tapos iyung iba still waiting for other projects like movies.

PB: That’s good na puwede kang lumipat from Siete at Dos.

Ara: Iyun iyung pinag-iisipan ko, actually, kung mag-e-exclusive po ako sa one station or lipat-lipat. I just keep it that way.

PB: Na-mention mo na may movie ka. Anong movie iyun?

Ara: Actually, may movies ako na ipapalabas this 2019 which is shinoot namin last year, 2018. That is Papa Pogi. May cameo role ako doon. That’s under Regal Films. Also, Regal Films din is iyung Stranded with Jessie Mendiola and Arjo Atayde. Cameo role din. Another movie with Jessi Mendiola, the title is Ang Mga Mata sa Dilim. Doon, mas mahaba ang exposure ko roon. Tapos medyo sexy ang role ko roon.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol kay Ara Altamira, bisitahin ang kanyang Facebook page at Instagram account.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s