Jo Berry, mas nakaluluwag-luwag na dahil patuloy na sinusubaybayan ang ‘Onanay’

NI: Nora V. Calderon

TEN months ago na pala nang ganapin ang story conference ni Jo Berry para sa family drama series nilang Onanay.

Pero bago ito ipinalabas, unang napanood ang little people na si Jo nang gampanan niya ang real life story niya sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco.

Sa Onanay, si Jo ay si Onay na may bone growth disorder kaya hindi siya lumaking may normal height.  Very positive sa buhay, nagkaasawa ng normal guy si Onay, nagkaroon ng dalawang normal daughters, sina Rosemarie/Natalie (Kate Valdez) at Maila (Mikee Quintos).

Tuluy-tuloy na sinusubaybayan ng mga netizens ang Onanay sa direksyon ni Gina Alajar, na ngayon ay nasa third season na.

onanay-2

Nabiro tuloy si Jo na mayaman na siya.  Hindi raw naman.

“Mas nakaluluwag-luwag lang po,” sabi ni Jo.

“Malaki-laki na ang naitutulong ko sa family ko.  Noon pong Christmas at New Year, nakatulong na ako magkaroon kami ng mas masaganang handaan kaysa noong nakaraan.  I’m really thankful to God for all the blessings He has given me.”

Kailan naman siya magkakaroon ng lovelife?

Nagkaroon na rin si Jo ng romantic relationships in the past, with tall, normal men, pero, “right now po, wala akong karelasyon.  Mas focus ako ngayon sa work ko at mahirap silang pagsabayin.  Siguro po, darating din iyon, right now mas concerned ako kung paano labanan si Helena (Cherie Gil) at mapapayag ko si Rosemarie na sumama na sa akin dahil ako naman ang tunay niyang ina.  Gusto ko po lamang magpasalamat sa patuloy ninyong pagsubaybay sa ‘Onanay’  gabi-gabi pagkatapos ng ‘Cain at Abel’.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s