Kiray, inamin na bata pa lang ay fan na ng ‘Bubble Gang’; dream na maging part ng show

NI: Ruel Mendoza

KUNG may isang show daw sa GMA-7 na gustong makasali ang bagong Kapuso star na si Kiray Celis, ito ay ang Bubble Gang.

Inamin ni Kiray na bata pa lang daw siya ay fan na siya ng Bubble Gang. Naalala pa ni Kiray na parating natatalo ng Bubble Gang ang show na kinabibilangan niya noon na Goin’ Bulilit.

Ngayon at nasa GMA na siya baka raw magkaroon ng katuparan ang matagal na niyang dream na makasama sa gag show.

“Dream ko talaga ever since na bata pa ako Bubble Gang. Sobrang fan ako ng Bubble Gang as in kasi everytime na mayroong mga awards night, ‘yung laging kalaban nung Bubble Gang is ‘yung show namin sa kabila.

kiray-gma

“Tapos nung bata kami parang nadi-dissapoint kami, ‘Bakit ‘di tayo nanalo?’ Eh, hindi namin alam na sobrang tagal na pala nila, ang tatanda na nila.

“Dun ko lang nalaman na tumanda ako, sabi ko, iba talaga! Legend talaga ang Bubble Gang walang makakapantay sa Bubble Gang,” ngiti pa ni Kiray.

Sa pagpirma ni Kiray sa Kapuso network, nilagay siya agad sa teleserye nila Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado na Love You Two. Nakapag-guest na rin siya sa Daig Kayo Ng Lola Ko at Dear Uge.

“Sobrang happy ako ang saya ng puso ko. Nakaka-happy pala ng puso dito promise!

“I feel so special and very blessed talaga… Ang saya kasi sobrang nice nila, very friendly and parang everytime laging nagpapakilala sa akin,” tugon pa ni Kiray.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s