Dingdong, sinabing March or April ay pwede nang isilang ang baby boy nila ni Marian

Ni: Nora V. Calderon

NAKUMUSTA kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang coming baby boy nila ni Dingdong Dantes after ng launch ng first TVC ni Zia na “Marian Says Yes To Zia with Nido 3+”  na hanggang sa ngayon ay hindi pa sinasabi ni Marian kung ilang buwan na siya at kung kailan ang exact date niya with the stork.

Pero sa latest picture ni Marian, makikitang malaki na ang tummy niya, ng wala pa ring name na baby boy.  Nagbahagi ng ilang kuwento si Marian tungkol sa kanya.

Sa latest sonogram daw nito kita nang kamukha rin ni Dingdong ang baby boy nila.

“Kaya outcast na naman ako sa kanilang mag-aama,” biro ni Marian. “Kasi silang tatlo na ang magkakamukha.”

dingdong-dantes-marian-rivera

Dagdag pa ni Marian: “Mahiyain ang baby boy namin, kaysa kay Zia.  Nang ipa-ultrasound namin noon si Zia pino-4D namin gumaganoon siya (nagpo-pose). Ito gumaganoon (nagtatago).  Kinausap namin sabi namin ‘anak magpakita ka naman, isa lang ginawa niya, gumanoon (sumilip) lang siya.” 

Kaya baka pilyo rin ito tulad ng Cain at Abel lead star.

“Naku, excited na kaming ipakilala sa inyo ang inyong baby boy,” sabi pa ni Marian.

Si Dingdong ang nagsabi nang huli naming makausap sa set ng Cain at Abel na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 after ng 24 Oras, na March or April pwedeng magsilang na si Marian ng kanilang baby boy.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s