Adult Housemates, nagustuhan ang mga niluto ng mga Star Dreamers

NI: Throy Catan

PINATIKIM ng mga housemates from Camp Star Hunt ang kanilang nilutong ulam. Related pa rin ito sa task ni kuya na gumawa ng carinderia business ang mga Star Dreamers.

Unang pumasok ay si Wakim, at nag-order ng Buttered Shrimp, Utan, at iba pa. Nilabas ni Thea sa isang maliit na lagusan ang pagkain. Nagustuhan ni Wakim ang pagkain, habang si Thea ay medyo naiyak dahil nagustuhan ni Wakim ang unang food na niluto niya. “Nakakakaba kasi ako iyung nagluto ng Utan, and to be there standing at io-offer mo iyung luto mo sa ‘di mo kilala. Kinabahan talaga ako.” Sabi ni Thea kay Kuya.

Nakakaaliw naman ang eksena nina Tori at Yamyam. Nag-order si Yamyam ng Utan, pero naghanap siya ng Buwat. Tinanong naman ni Tori kung ano iyun. Tuyo raw sabi ni Yamyam. “Ay wala din po.” Sabi ni Tori. Napangiti si Tori at sabay sorry kay Yamyam dahil wala silang tuyo.

“Sarap na sarap siya. Ang bilis niya kumain.” Sabi ni Tori sa kapwang housemates sabay may gesture kung gaano kabilis kumain si Yamyam.

Butter Shrimp din ang inorder ni Lou. Si Patrick naman ang nagbigay ng food. “Iyung nagsabi siyang masarap, doon na ako…” Sabay nag-exhale si Patrick as a sign of relief. “Naisip ko na successful po kami.” Dugtong ni Patrick.

Panoorin ang Pinoy Big Brother Otso sa hapon pagkatapos ng Los Bastardos, weeknights pagktapos ng Halik, Sabado pagkatapos ng Home Sweetie Home, at sa Linggo pagkatapos ng Wansapanataym.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s