Angel, limang taon ding nabakante bago nagkaroon ng bonggang teleserye

Ni: Ricky Calderon

MABUTI hindi nagtampo si Angel Locsin sa ABS-CBN.

Aba, it’s been five years since she had her last teleserye sa Kapamilya network.

Pero mukhang naman ang ganitong set-up para sa aktres. May time siya magpahinga and recharge her batteries.

Saka wala man siyang teleserye, may mga TV guestings naman siya at mga pelikula.

Pero heto na ang much-awaited na pagbabalik ni Angel sa primetime. Magsisimula na ang airing ng pinag-uusapan na The General’s Daughter, ang pinakabagong serye ng ABS-CBN, on January 21.

angellocsin-tgd

Isa ito sa apat na projects that was presented to Angel at itong The General’s Daughter na under the production of Dreamscape Entertainment ang kanyang pinili.

Malaki ang tiwala niya kay Deo Endrinal, who heads Dreamscape, at matagal na niyang wish na makatrabaho ang Dreamscape, the production team behind FPJ’s Ang Probinsiyano.

At dahil comeback sa primetime ni Angel, Dreamscape made sure na malaking project ang The General’s Daughter. Sa trailer pa lang ng show ay halatang ginastusan ito nang bonggang-bongga. Hindi ang barko kundi may eroplano.

At bigatin ang bumubuo ng cast. Aside from Angel, tampok din sa show sina Tirso Cruz III, Albert Martinez, Janice de Belen, Eula Valdez, the Diamond Star Ms. Maricel Soriano, Paolo Avelino, Jc De Vera, Arjo Atayde, Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Excited na si Angel sa pagbabalik-primetime niya at sa pagkakataong makasama ang mga bigating artista sa biggest teleserye of her career.

Masaya silang lahat tuwing taping at excited to work together. Ang ilan sa mga artistang nabanggit ay first time pa lang makakatrabaho ni Angel kaya mas ganado siya to work.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s