Xian, naka-relate sa pambu-bully; humalik din sa sapatos at natutukan pa ng kutsilyo

Ni: Rose Garcia

NAKA-RELATE si Xian Lim nang mag-viral ang pambu-bully ng isang estudyante ng Ateneo.

Naka-relate si Xian dun sa binu-bully. Yun pala ang rason kung bakit napa-post si Xian sa kanyang Instagram account about bullying dahil matindi rin ang pinagdaanan niya.

Kinuwento ni Xian na noong nasa middle school siya sa America, could be because he’s Asian o dahil napagti-tripan lang siya, pero grabe raw yung naranasan niya.

Ayon kay Xian, “Dumaan ako sa point na yung incident na yun, parehong-pareho. Yung kasama ko, pinapahalik sa akin ang sapatos. Sa akin, ginawa ko. Natatakot kasi ako. Nakita niyo naman sa picture ko, mukha akong kabully-bully, mukhang walang kaibigan.

“Siguro yun din po ang reason kung bakit meron lang akong small circle, natatakot ako dahil sa naging experience ko.”

Isa raw sa dahilan kung bakit niya na-overcome ang bullying sa kanya, nang pasukin niya ang sports. Grabe raw ang naging trauma niya at palagi raw siyang takot.

Sabi pa niya, “May pagkakataon na natutukan pa ko ng kutsilyo.”

Nakakulong na raw ang nang-bully sa kanya. May isang nabalitaan niyang nabaril at namatay na.

“Sa mga nabu-bully, they have to really speak up. Kasi ako, sa nanay ko nung sinabi ko, sabi niya, nangyari pala sa ‘yo ‘yan. Hindi ko sinabi sa kanya kasi, magwo-worry siya.

“Single parent lang siya, nagwu-work to keep the apartment rental.

“Kaya I felt the need na mag-post lang and maybe it can help. Marami nga ang nag-message. I just encourage people to just speak up and don’t be scared.”

Nakausap namin si Xian sa presscon ng pelikula niya sa VIVA Films kunsaan, sila ni Louise delos Reyes ang magkatambal, ang Hanggang Kailan.

Bukod sa pagiging isa sa mga bida, producer na rin si Xian bilang naki-co-prod siya rito with his XL8 Productions at ipalalabas na sa February 6.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s