Mapangahas na mga eksena ni Martin, aabangan sa ‘Born Beautiful’

Ni:  Ricky Calderon

KAGABI (January 18) ang advanced screening ng Born Beautiful na ginanap sa UP Adarna Theater.

Inaasahan namin ang pagdagsa ng mga tao, of all shapes and sizes, para saksihan ang pinag-uusapang pelikula ni Martin Del Rosario.

May kaibigan kami na gustong manood at nagtatanong kung may nabibiling ticket for the advanced screening. Sorry pero we told him na strictly invitational ang screening ng latest movie ni direk Perci Intalan.

martin dlr

Wala rin tickets for sale. Gusto kasi ng friend ko mapanood ang uncut version ng Born Beautiful na inaasahang mapangahas ang mga eksena nina Martin, Kiko Matos at Akihiro Blanco.

‘Yung version kasi na ipalalabas starting January 23 ay dumaan na sa MTRCB at malamang may eksenang intact sa uncut version pero wala na sa mapapanood sa mga sinehan.

Born Beautiful will be the make or break film para kay Martin. Ito ang most challenging role na kanyang ginampanan at kung paniniwalaan ang statements ng kanyang director, pasabog ang performance ni Martin sa pelikula.

He could probably win an award for Born Beautiful. Pwede rin siyang maging box-office star, kung mapapantayan ni Born Beautiful ang box-office success ng Die Beautiful, na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.

Produced by TheIdeaFirstCompany Inc., Cignal Entertainment at October Train Films.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s