Maricel, puring-puri si Arjo at binigyan pa ng perfect 10 na rating

Ni: Ricky Calderon

PAG pinuri ni Ms. Maricel Soriano ang acting mo, then there must be something in you na nakita niya to say so.

Feeling proud kami for Arjo Atayde dahil pinuri ni Maricel ang acting nito sa The General’s Daughter. Arjo plays the autistic son of Maricel sa series at nang tanungin kung anong rating ang ibibigay niya kay Arjo in terms of acting, 10 ang rating ng Diamond Star for Arjo.

Ayon kay Maricel, damang-dama raw niya niya si Arjo sa mga eksena nila together.

“Nakakahugot ako ng energy sa kanya kasi magaling siya. Kung maganda man lumabas ang mga eksena namin together, it’s because mahusay siya. Bihira ako may makatrabaho na sa umpisa pa lang ay kinakitaan ko na nang kahusayan. Arjo is one of them,” pahayag ng Diamond Star.

Humbled naman si Arjo sa papuri sa kanya ni Maricel.

“Mas lalo ko pang pagbubutihin ang acting ko. Siyempre, ang Diamond Star ang kaeksena ko kaya dapat lang akong mag-step up sa husay niya,” wika ng binata na excited rin sa pagbabalik sa Dreamscape group via The General’s Daughter.

(photo: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s