Marian, inaming kitang-kita sa ultrasound na kamukha ni Dingdong ang baby boy nila

Ni:  Rose Garcia

SOBRANG bibo ni Maria Letizia Gracia Dantes a.k.a Zia.

Imposibleng hindi makukuha ni Zia ang atensiyon ng kahit na sino tulad na lang nang i-launch siya at ang kanyang mommy na si Marian Rivera ng NIDO 3+ at ang TVC nila bilang mga bagong endorsers.

Given na parehong beautiful ang mag-ina, pero nakakaaliw ang kabibohan ni Zia at for sure, maraming nag-aalok ng endorsement sa anak na ito nina Marian at Dingdong Dantes, but at the age of 3, nakita ni Marian ang importance ng NIDO 3+ sa anak.

Sabi nga niya, “Ako kasi, kapag tumatanggap ako ng ie-endorse ko, gusto ko munang malaman kung ano ba ‘to, okay ba ‘to, nire-research ko talaga at tina-try.”

Kilalang breastfeeding advocate si Marian at full breastfeeding siya sa anak ng dalawang taon yata. Pero nang inilipat na niya ito sa formula milk, ang ine-endorsong gatas ang napili niya.

Katwiran pa niya, hindi raw dapat naniniwala sa mga advertisement.  Dapat sine-check ang label at hindi porke’t mahal, maganda.

marian zia

Hindi pa rin nagbigay ng eksaktong buwan kung kailan manganaganak si Marian, pero tulad nang naging pahayag ni Dingdong na summer of this year nila ine-expect ang kanilang baby boy, ramdam na raw ni Marian kahit nasa tiyan pa lang niya ang kaibahan ng babae at lalaking anak.

Aniya, “Ngayon kasi, mas malikot siya kahit nasa tiyan ko pa lang.  Pero parang shy siya as compared kay Zia.  Yung ginawa naming 4D ultrasound, shy siya.

“Kinausap ko lang, sabi ko, sige na anak, saglit lang. Nagpakita parang, bulaga, sabi ko, naku, pilyo, Ha ha ha!”

Pero sa ultrasound daw, kitang-kita na niya na kamukha ni Dingdong ang baby nila.

“Oo, kamukha na naman ni Dong! Sabi ko nga, ano ba ‘yan.  Si Zia kasi noong baby, si Dong din ang kamukha.  Pero ngayong lumalaki siya, ako na ang nagiging kamukha niya.”

Kinumpirma na rin ni Marian na sa kabuwanan niya ay magpapahinga na siya at kung katulad nu’ng ipinanganak niya si Zia, may dalawang taon din daw siyang nag-focus lang sa anak bago talaga bumalik ng full blast.

Ang sigurado, patuloy siyang mapapanood sa Tadhana.

nido 3+ 03

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s