Jodi, excited na sa gagawing international movie; pang-Hollywood ang level

Ni: Ruel Mendoza

EXCITED ang Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria sa gagawin niyang international movie sa taong ito.

Pero tikom ang bibig ni Jodi sa iba pang detalye ng naturang pelikula.

“May gagawin tayong international film very soon. Pero wala pa ako sa posisyon to spill the beans.

“But I am really praying about it. Hollywood levels!

“Masyado akong kinikilig kasi parang hindi ko alam kung paano sila kakaharapin. Baka ma-tongue-tie ako. Baka manganga ako, ma-starstruck ako,” tawa pa niya.

Kababalik lang ni Jodi mula sa Christmas and New Year vacation nila sa Europe ng anak niyang si Thirdy Lacson.

jodithirdy-ig

Request daw kasi ni Thirdy na sa Finland at Sweden sila magbakasyon dahil gusto nitong ma-experience ang Husky Sledding at ang sumakay sa Reindeer Sled.

“First time kaming makapag-try ng Husky Sledding and at the same time, we were able to drive a Reindeer Sled. We were able to get a Reindeer Driver’s License,” sey pa ni Jodi.

Importante raw ang magkaroon ng Reindeer Driver’s License dahil dalawang forms of transportation lang ang puwedeng gamitin sa Lapland: ski at sled na hinihila ng reindeer.

Bukod sa international film, tatlong pelikula ang gagawin ni Jodi: Second Coming with Marvin Agustin, Man And Wife ni Laurice Guillen at ang horror film na Clarita.

Balik taping na rin si Jodi sa Kapamilya serye na Mea Culpa na eere ngayong 2019.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s