Janine, ipinagdiinang hindi pa sila official na mag-dyowa ni Rayver; Enchong, mas awkward pa sa kissing scene

Ni: Rose Garcia

Nagulat kami na hindi pa pala official na mag-jowa sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Ito ay ayon kay Janine. Nakakagulat dahil kung pagbabasehan ang mga sightings nila mapa-social media man o hindi, walang mag-aakala na hindi pa sila official na magkarelasyon.

“Hindi pa, hindi pa,” natawang sabi ni Janine.

Wala raw silang date or anniversary.

Sabi pa niya, “Well, for me kasi, mas importante yung relationship kesa dun sa label. Meron na official na mag boyfriend-girlftiend, pero hindi naman sila masaya.”

Inamin naman ni Janine na base na rin sa past experiences niya kaya ayaw rin daw niya ng masyadong madaliin o seryosohin.

janine enchong

One week lang daw ang naging U.S. vacation nila kunsaan sumama si Rayver at nakasama sa bonding naman nilang magkakapatid kasama ang ama na si Ramon Christopher.

Mas naging masaya raw ang bakasyon na kasama nila ang rumored boyfriend.

“Nanood kami ng N.B.A. kasi pareho kaming super fan ng Lakers. Nag-Disneyland kami at kumain ng kumain. Talagang para kaming turista.”

May bagong movie naman si Janine, kunsaan, may kissing scene sa pelikulang sila ni Enchong Dee sa Elise, ang Valentine’s offering ng Regal Films ngayong February 6.

“Meron, meron… eh, ako kasi medyo nerbiyosa talaga ko kapag merong kissing scene.

“Pero dahil si Enchong ang kasama ko, mas naging kumportable ako dahil si Enchong ang kasama ko.”

Malapit na magkaibigan sina Enchong at Rayver at natatawang kuwento ni Janine, sa kanilang dalawa, mas si Enchong pa raw ang na-awkward.

“Ako kasi, ginamit ko na lang ang nerbiyos ko sa eksena kasi, ninenerbiyos talaga ko run. Si Enchong, nakakatawa kasi, siya ang awkward dahil bestfriend niya si Rayver.

“After ng scene, nagdyo-joke siya na, I think I lost a friend.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s