Heart, talbog si Kris dahil mas malaki ang role sa part two ng ‘Crazy Rich Asians’

Ni: Rose Garcia

NASAGOT na ang mga haka-haka at yung iba, talagang ini-assume na ang secret ni Heart na pinost niya sa social media niya ay preggy na siyang muli. Remember, nagkaroon ng miscarriage si Heart last year sa supposedly, twin babies sana nila ni Senator Chiz Escudero.

Wala namang sikreto na maitatago or matagal na maitatago lalo na sa showbiz at lalo na kung isang malaking project ‘to.

Yes, talbog na talbog ni Heart si Kris Aquino na unang Pinoy actress na gumanap sa Crazy Rich Asians last year. This time, it’s Heart’s time to shine!

Hindi pagiging buntis ang sikreto ni Heart kung hindi, kasama siya sa part 2 ng naturang pelikula na sinulat ni Kevin Kwan. Wala man pino-post si Heart at sinasabing nagsu-shooting siya sa Shanghai, China ngayon para sa part 2 ng CRA which is, China Rich Girlfriend ang title, nahulaan na ito ng karamihan.

Definitely, mas malaki raw ang role ni Heart kumpara sa tila cameo role ni Kris last year. At balitang kulang isang buwan mag-i-stay si Heart sa China.

May balita rin na si Heart ang isa sa magiging judge sa bagong season ng Star Struck so by that time na magsisimula na naman siguro ang original reality talent search na ito ng network ay tapos na si Heart sa shooting ng China Rich Girlfriend.

Career wise, mukhang ang ganda rin ng pasok ng 2019 para kay Heart.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s