Dingdong, mananatiling Kapuso kahit nag-expire na ang kontrata; maraming dapat abangan ngayong 2019

Ni: Rose Garcia

ANG lakas ng bagong campaign ng Dunkin Donuts.

Daming ginulat nang maglabas sa social media ang pictorial ng tatlong sikat na actors at maituturing na mga sought-after leading men at product endorsers.

Kasabay na nito ang bagong TVC.

Celebrity endorsers na talaga ng Dunkin Donuts sina Derek Ramsay at Piolo Pascual, pero heto’t mas pinalakas pa ang ng naturang donuts brand ang campaign nila sa pagsama sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Naaliw kami sa nabasa naming comment na bakit daw ngayon lang naisip ng Dunkin na kuhaning endorser si Dingdong, to think na ito raw yata ang pinaka-fit maging endorser dahil sa initial niyang DD, huh!

Positibo ang mga nababasa naming comments sa pagsasama ng tatlo. May ilan din na nagpapasalamat kina Derek at Piolo for welcoming Dingdong.

Sa totoo lang, even noon pa man, masuwerte rin talaga si Dingdong na kahit from the beginning ay isa siyang Kapuso, hindi siya naka-box lang sa GMA-7. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama ang ibang artista ng ibang networks.

dingdong-dd

Una sa pelikula dahil sa halos every year ay may Star Cinema movie siya. Pangalawa nga in-terms of endorsements tulad nito.

Anyway, nagtapos ang 2018 ni Dingdong na meron siyang Cain at Abel at nagpapatuloy pa rin sa primetime ng GMA na masasabing mas impressive ang ratings ngayon at consistent din sa magagandang reviews.

Nag-expire na ang contract ni Dingdong sa GMA last January 16, but since dalawa pa ang regular shows niya tulad ng Amazing Earth, so for sure, he’ll remain Kapuso.

Ang alam namin, sigurado na may gagawin pang isang malaking primetime series si Dingdong ngayong taon at more movies siya. May gagawin siya sa Star Cinema, sa VIVA at posible rin ang own film outfit niya.

So, exciting nga ang 2019 para sa actor, not to mention ngayong taon din nila iwe-welcome ng misis na si Marian Rivera ang kanilang baby boy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s