Bong, naungusan pa ang marami sa mga senatoriables kaya nag-decide na tumakbong muli

NI: Rose Garcia

PAGKATAPOS na makulong ng apat na taon at anim na buwan sa Camp Crame, muling nakaharap ng dating Senador at ngayo’y muling tumatakbo sa pagka-Senador na si Bong Revilla ang entertainment press at ilang kaibigan niya sa industriya.

Ang maituturing na mga haligi rin ng showbiz na sina Manay Ichu Vera-Perez-Maceda at ang Regal Films’ Mother Lily Monteverde ang nagbigay ng first presscon ni Bong with the entertainment press.

At sa kabila ng sabi nga niya ay pait, hirap na dinanas niya ng ilang taon sa pagkakakulong, buong ningning na sinabi ni Bong na pinapatawad na raw niya ang mga gumawa nito sa kanya.

bong-revilla1

Aniya, “Siyempre, hindi mo maiaalis ang galit ko sa dibdib.

“I’ll be plastic naman kung sabihin ko na wala, okay lang ‘yan. Four years, six months or six years na nawalay sa buhay mo, it’s not a joke.  Pero narinig ko sa aking ama yun, parang narinig ko na rin ang boses ng Panginoon.

“Ang masasabi ko lang, pinatawad ko na ang mga taong nang-api sa akin, ang gumawa ng ganito.”

Mismong ang ama, ang dating Senator na si Ramon Revilla Sr. daw ang nagpayo nito na gawin niya.

“Tinanong ko ang tatay ko.  Sabi ko, daddy, ano po ang masasabi niyo sa mga taong nagpahirap sa akin? Sa mga taong nang-api sa akin?  Alam niyo ang sabi ng daddy, anak, patawarin mo na sila. Noong sinabi ng daddy ko yun, alam niyo, naluha ako.”

Obviously, mahal ng tao si Bong. Aba, naungusan pa niya ang marami sa mga senatoriables sa mga survey. Kaya nagdesisyon na rin si Bong na tumakbong muli.

Aminado ito na ang pagde-declare niya dati na tatakbo sa mas mataas na posisyon ang dahilan kung bakit siya napag-initan, pinagplanuhan daw at nakulong nga.

After election, saka gagawin ni Bong ang comeback movie niya na Alyas Pogi na siya rin ang nagsulat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s