Angelica, in-unfollow na si Carlo; magandang samahan nasira dahil sa mga fans

Ni: Rose Garcia

‘YUNG totoo, hindi namin maintindihan ng bongga ang pinanggagalingan ng reaksiyon ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa naging reaksiyon at aksiyon niya.

Kunsabagay, si Angelica naman talaga ang nakakaalam ng totoong pangyayari at damdamin niya.

So kaya lang ‘di namin gets dahil kung tama ang pagkakaintindi namin, ang dahilan kung bakit ini-unfollow niya sa Instagram account si Carlo Aquino ay dahil sa basher?

Hindi lamang in-unfollow ni Angelica si Carlo, nag-post pa siya ng caption na lalayuan na niya ito. Sey niya sa post niya, “Wow. Sa lahat ng na offend ko.  Sorry.  Hindi ko alam na may issue pala kayo sakin. From now on, hindi na ko magsasalita.  Huling caption ko na po ito.  Kasi nakakahiya sa inyong mga nasaktan ko.  Tama ka. Madaldal ako. So tatahimik na ko. I will act my age po. Sorry po. Hindi na kayo makakarinig ng kahit na ano sakin regarding carlo. Lalayuan ko na din para hindi na lang ako mahusgahan at hindi na po siya mahirapan sa sinasabi niyong “impact” na ginagawa ko para madehado po siya. Happy po? Thank you. Sana po maintindihan niyo at mapatawad niyo ko. Pagod na din ako sa kanegahan at pakekelam ninyo. Nasaktan din ako. So tama na.”

angelica-panganiban1

Pinangalanan din ni Angelica ang basher na obviously, sa sunod-sunod niyang post tungkol dito ay nakaapekto sa kanya ng sobra, ang IG user na si @bashangggg11. Na ngayon ay user not found na ang IG account.

As in, dahil lang sa basher, dinamay niya ang anumang meron sila ni Carlo? Kung meron nga ha, kasi noong Christmas, kuntodo post pa siya ng pagsasama nila at happy-happy lang.

May punto rin ang comment ng netizen na nabasa namin.

Sey niya, “eh bakit naman kse cya papa apekto dun sa basher unless may na trigger sa kanya na katotohanan dun sa sinabi nung basha. people would always have something to say so nasayo na lang if papa apekto ka lalo na if alam mo naman na di totoo, kebs na lang dapat or if patola tlga cya, correct nya. sa dami dami ng nag dedeclare ng love and support sa kanya no matter what, why choose to react dun sa iilan na may puna sa kanya.”

Ang dami nang pinagdaanan ni Angelica, pero hahayaan niya talagang masira kung may maganda silang samahan ni Carlo at ng pamilya nila dahil sa basher na ni hindi nila kilala?   Kung tutuusin, matagal na rin ang tanong ng karamihan same with nagwi-wish na muling magkabalikan ang CarGel nang, “are they just friends?,” “nagkabalikan ba?” or “gimmick lang?”

Anyway, may bagong post si Angelica para sa mga fans ni Carlo, “Maayos naman samahan namin.  Sinira niyo lang.  Sana masaya na kayo.

“Sana din matuwa ang idol niya sa pag-iwas ko sa kanya at malagay siya sa tahimik. Ako pala kasi sumisira sa idol ninyo.  Enjoy 2019.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s