Rayantha Leigh, bongga ang career this 2019

Ni: Throy Catan

SOBRANG thankful ang Ivory Music & Video recording artist na si Rayantha Leigh sa mga natatanggap na projects kahit na naguumpisa pa lang ang taong 2019.

Magiging parte muli si Rayantha sa season 2 ng show na Bee Happy Go Lucky. Magsisimula ang nasabing show sa Pebrero 8 sa IBC 13 every Friday at 7 PM.

Sa Pebrero 1 ay ire-release ni Rayantha ang kanyang third single na may pamagat na Puro Papogi na sinulat ni Kedy Sanchez. Mapapakinggan at mabibili ito sa digital stores katulad ng Spotify, iTunes, and Deezer.

Kasama rin siya sa isang malaking event sa Taytay: Taytay Town Fiesta.

Isa na ring endorser si Rayantha ng Halimuyak Perfume, at MushBetter Crispy Mushrooms.

 

Magpe-perform si Rayantha sa kanyang concert sa Tokyo, Japan kasama si DJ Airene. Sa ngayon ay wala pang official announcement kung kailan mangyayari ang nasabing concert, pero, ayon sa aming source, mangyayari ito sa first half ng taong ito.

Nakausap namin si Rayantha at nakikita namin ang ngiti sa kanyang mukha habang sinasabi sa amin na sobrang bless siya this year, “So thankful and so bless. First quarter pa lang po ng 2019 ay sunud-sunod ang mga projects ko. I promise to myself this year na I’ll do my very best para po magkaroon po na mas malaki pa pong projects in a future.” Sabi ni Rayantha.

Ano kaya ang New Year’s Resolution ni Rayantha? “Do more, work more, play more. Ime-maintain ko po ang career ko, but of course I have to enjoy my life and spend more time with my friends and family.” Deklara niya.

rayantha

Matatandaan natin na nanalo si Rayantha sa kakatapos lang na 10th PMPC Star Awards for Music bilang New Female Recording Artist of the year. Last November, nakatanggap siya ng award bilang Young Achiever Awardee: Outstanding Asia Teen Performer 2018 mula sa 5th World Class Excellence Japan Award sa Fukuoka, Japan.

Para sa iba pang detalye tungkol kay Rayantha at ang kanyang upcoming gigs, bisitahin ang kanyang opisyal na Facebook page. Puwede niyo rin pakinggan ang mga nakakakilig niyang mga kanta sa Spotify.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s