Pampakilig na duet nina Ken at Rita, napapakinggan na sa top-rating na ‘My Special Tatay’

NI: Ruel Mendoza

DAHIL sa pagiging sikat ng BoBrey loveteam nila Ken Chan at Rita Daniela sa My Special Tatay, meron silang hinandang duet na mapapakinggan din sa kanilang top-rating teleserye.

Ang title ng duet nila ay “Almusal”. Ito raw ang regalo ng BoBrey loveteam sa kanilang supportive fans na walang sawang inaabangan ang kanilang love-and-hate story sa My Special Tatay.

“Itong kanta namin na ‘to maraming makaka-relate talaga dito. Simula sa mga tweens, yung mga puppy love, yung mga unang nagmahal, mga crush-crush, ito yun,” ngiti pa ni Ken.

ken-&-rita

“Pampakilig sa mga fans ng BoBrey ang duet namin. Di namin inasahan na magkaroon kami ng fans talaga. Kaya pasasalamat namin sa kanila ang Almusal,” sey ni Rita.

Sa tumatakbong kuwento ng My Special Tatay, lumayas si Aubrey at hinahanap siya ni Boyet at ng kanilang anak na si Baby Angelo.

May dahilan ang paglayas ni Aubrey na magiging simula ng isang unexpected twist sa story nila.

“Sinu-surprise din kami ng My Special Tatay team kung anong mangyayari. Kami mismo sa cast, hindi namin alam ang mga susunod na mga mangyayari. Kaya dapat abangan nila parati ang takbo ng teleserye namin,” pagtapos pa ni Ken Chan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s