Catriona, umaming natakot na umuwi agad ng ‘Pinas matapos na matalo sa Miss World

Ni:  Ruel Mendoza

HINAHANGAAN si Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil sa kanyang pagiging articulate, witty at honest sa kanyang naging media tour sa New York City.

Sa kanyang isang sit-down interview with Don Tagala of ABS-CBN North America News Bureau, bukod sa kanyang pagkapanalo at ang kanyang advocacy, pinag-usapan din nila ang naging takot ni Catriona na sumali ulit ng beauty pageant noong hindi niya maiuwi ang korona ng Miss World noong 2016.

Inamin ni Catriona na natakot siya umuwi agad sa Pilipinas after ng Miss World pageant sa Maryland, USA dahil baka raw pintasan siya at sabihin ng iba na hindi niya binigay ang lahat kaya nabigo siyang manalo.

catriona-gray-miss-world

Kaya noong pinipilit siyang sumali ng Bb. Pilipinas noong 2018, ilang beses daw niya itong pinag-isipan.

“I was scared to join again. I really was. I was scared to foray into that journey. Whenever anyone pursues that dream, there is that fear, there is that hesitance of — ‘Am I doing the right thing? Should I be here? Is this my time? Is this what I’m supposed to do?” tanong pa ni Catriona sa kanyang sarili.

Pero naisip daw niya ang song na “This Is Me” na mula sa pelikulang The Greatest Showman. Yun daw ang naging anthem niya dahil gusto niyang maabot ang dream niya at walang dapat na pumigil sa kanya.

“The message of ‘This Is Me’ is, ‘This is everything that I am, this is what I believe in, this is my dream, I’m going to go after it no matter what anyone says,” diin ni Catriona na naging tama ang desisyon na sumali ulit dahil nakoronahan siya bilang pang-apat na Miss Universe ng Pilipinas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s