Arnell, nagtataka kung bakit na-suspend ang Facebook account

Ni:  Ricky Calderon

NAGTATAKA si Arnell Ignacio kung bakit na-suspend ang kanyang Facebook account.

Wala naman daw siyang alam na violation na kanyang ginawa that should merit the suspension of his account.

Nakausap namin si Arnell sa opening ng bagong branch ng  kanyang Creative Hair Systems sa ground floor ng Elan Building along Annapolis, Greenhills.

Importante pa naman kay Arnell ang kanyang FB account dahil yun ang kanyang ginagagamit para makipag-communicate sa mga OFWs bilang bahagi ng kanyang trabaho bilang OWWA executive.

Bagamat mahirap ang kanyang trabaho bilang OWWA officer, masaya pa rin siya kapag may natutulungan siyang kapwa Pilipino sa abroad.

Ang kapalit nga lang nito ay hindi niya maasikaso ang kanyang showbiz career dahil most of the time ay lumilipad siya sa Middle East para sa mga concerns ng Pinoy workers abroad.

Ayon pa sa actor-TV host, hindi naman daw niya akalain na be will be effective in his job as an OWWA executive. Thankful nga siya kapag may problema ng OFW na kanyang nalulutas o nasusulosyunan.

Pero siyempre, nami-miss din ni Arnell ang buhay niya bilang isang entertainer.

Ipinamahala na ni Arnell sa kanyang anak na si Sophia ang pamamahala sa Creative Hair Systems kung saan hindi lang mga wigs ang pwede ninyong ipagawa. Pwede rin kayo magpalagay ng kilay.

Kabilang sa nag-cut ng ribbon sa opening ng Creative Hair Systems ay sina Ai Ai delas Alas, Edu Manzano, John Nite at Mocha Uson.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s