Bianca at Miguel, pinag-aaralan ang tamang pagsisid para sa ‘Sahaya’

Ni:  Ruel Mendoza

PINAG-AARALAN na ng BiGuel Loveteam nila Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang tamang pagsisid sa ilalim ng dagat para sa kanilang magiging roles sa bagong teleserye ng GMA-7 na Sahaya.

Kailangan daw kasi nilang matutunan ang tinatawag na “free diving” o ang pagsisid na hindi kinakailangan ng anumang breathing apparatus. Gaganap kasing mga Badjao sina Bianca at Miguel.

sahaya-gma-network.gif

Mahusay lumangoy ang mga Badjao na hindi nila kailangan ng oxygen tank sa ilalim ng dagat.

“Una siyempre medyo mahihirapan po kayo and masakit sa tenga kasi ‘yung pressure under water. Pero kailangan po ng practice, kailangn po ng knowledge about sa free diving,” sey pa ni Miguel.

May background naman daw si Bianca sa scuba-diving, pero iba raw ang free diving dahil kailangang matutunan mo ang tamang paghinga bago sumisid.

“Nagsu-scuba diving po ako pero, ‘yung mag-free diving, hindi ko pa po ginawa.

“Ginawa ko siya for fun pero hindi ko po inakala na dadating po ako sa point na kakailanganin ko pa siyang gawin para sa teleserye namin,” sey pa ni Bianca.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s