Angelica, nangakong ‘di na magsasalita at lalayuan na si Carlo

Ni: Rohn Romulo

HINDI na naman napigilan ni Angelica Panganiban na patulan ang isang basher at sinabi nito na lalayuan na niya si Carlo Aquino.

Ayon sa post ng netizen, aware ba daw ng aktres na dehado na si Carlo sa kanyang ginagawa at sarili niyang fans ay bina-bash ang aktor.

‘Wag daw daanin sa social media ang lahat at pag-usapan na lang nila ni Carlo, dahil minsan ay nakakaduda na raw kung totoo ba raw na nagki-care siya.  Kung gaano siya kadaldal at sobrang tahihimik naman ni Carlo.

cargel

Para daw teenager lang silang kumilos samantalang 33 and 34 na sila, kaya tamang lang na kumilos siya ayon sa kanilang edad.

Sagot naman niya ito sa kanyang IG account na @iamangelicap, “Wow. Sa lahat ng na offend ko. Sorry. Hindi ko alam na may issue pala kayo sakin. From now on, hindi na ko mag sasalita. Huling caption ko na po ito. Kasi nakakahiya sa inyong mga nasaktan ko. Tama ka. Madaldal ako. So tatahimik na ko. I will act my age po. Sorry po.

“Hindi na kayo makakarinig ng kahit na ano sakin regarding carlo. Lalayuan ko na din para hindi na lang ako mahusgahan at hindi na po siya mahirapan sa sinasabi niyong “impact” na ginagawa ko para madehado po siya. Happy po?

“Thank you. Sana po maintindihan niyo at mapatawad niyo ko. Pagod na din ako sa kanegahan at pakekelam ninyo. Nasaktan na din ako. So tama na.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s