Alden, wish na matupad ang movie na nila ni Maine; bagong show nasa planning stage na

Ni: Nora V. Calderon

MARAMING-MARAMING salamat kay Pambansang Bae Alden Richards dahil pinasaya niya ang mga entertainment press nang tuparin niya ang pangakong thanksgiving lunch para sa Christmas at sa kanyang 27th birthday na ginanap sa Concha’s Garden Cafe niya sa Scout Madrinan, Quezon  City.     Sabi nga walang umuwing luhaan dahil lahat ay may natanggap na loot bags, at ang pa-raffle niya na ang top prize ay 20k.

May interview kay Alden after tungkol sa mga plano niya sa kanyang career at business.  Sa career, muli siyang magkakaroon ng shows abroad sa GMA Pinoy TV sa iba’t ibang bansa. Nasa planning stage na rin ang bago niyang show sa GMA Network at wish niyang matupad ang isang movie na maaaring pagsamahan nila ng ka-love team na si Maine Mendoza na matagal nang hinihintay ng AlDub Nation.

alden maine3

Open na rin si Alden sa pagkukuwento na kasalukuyan nang itinatayo ang McDo store niya sa Binan, Laguna, katabi nila ang Perpetual Help College sa national highway.  Siya raw ang panglima sa magkakaroon ng food chain sa Laguna.

At among the stars, for the record, sila lamang ni Maine ang may sariling food chain nito, dumaan daw sila sa right process, wala silang special considerations.  Target date daw ng opening nila ay sa Easter Sunday sa April.

Ang isa pa niyang branch ng Concha’s Garden Cafe sa Silang, Cavite na under renovation ay bubuksan niya muli sa March, 2019.

As to his lovelife, baka raw mayroon na after niyang mag-open ng kanyang food chain.  Sasabihin daw niya kung meron na hindi niya ililihim.     Good luck, Alden!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s