Katrina, pinainit ang mga followers sa sunod-sunod na sexy photos

Ni:  Rose Garcia

DAHIL may ipo-flaunt naman, hala sige nga sa kaka-post ngayon ang Kapuso star na si Katrina Halili ng mga sexy photos niya.

Siyempre, bentang-benta ang Instagram account ni Katrina dahil sa sunod-sunod na sexy photos niya na ipino-post niya. Pinag-init na nga ni Katrina ang mga followers niya bago pa mag-Bagong Taon dahil nang umuwi siya ng Palawan, sinulit niya talaga ang bakasyon at mukhang nagbaon ng maraming swimsuits.

Pero medyo pa-conservative pa si Katrina noong nasa El Nido, Palawan at one piece swimsuit lang ang suot niya. Iba nang magbakasyon ito sa isang resort sa may Laguna at two-piece kung two-piece na.

katrina h

Na-miss yata ni Katrina ang mga panahong siya halos ang reyna ng FHM Magazine kaya kuntodo pictorial ito ng seksi-seksihan talaga. Happy rin daw siya na bukod sa napakalaki nga namang nabawas sa timbang niya, nakakuha rin daw kasi ng high ratings ang episode niya sa Magpakailanman.

Pero ang bongga, yung na-achieve niya ang timbang na 50 kilograms.

Sey niya, “Starting the year reaching my goal of 50 kg weight hence the happy face.”

May lima o anim na taon na yatang sinasabi ni Katrina na single siya at hindi rin talaga siya nag-e-entertain. Although sey niya, wala rin naman daw talagang nagpaparamdam.

Sa todong pagpapaseksi niya ngayon, magtataka pa ba kami kung marami na naman ang aaligid o magpaparamdam sa kanyang lalaki, bata o matanda man.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s