Alden at Dingdong, maingay na choices ng netizens sa Pinoy remake ng ‘Descendants of the Sun’

Ni:  Rose Garcia

BIG deal na agad sa mga fans kung sino ang gaganap sa isa sa itinuturing na popular Korean drama na ipinalabas din sa bansa, ang Descendants of the Sun na pinagbidahan ng SongSong couple na sina Song Hye Kyo at Song Joong Ki.

Ipinalabas ito sa GMA-7 noong 2016 kaya hindi na nakakagulat na ang Kapuso network din ang nakakuha ng rights para gumawa ng Pinoy adaptation nito.

Dalawang Kapuso actor ang lumalabas na tila gusto ng mga netizens na gumanap bilang si Song Joong Ki. Actually, dalawang pairs. And since GMA nga ang maglalabas nito ngayong 2019, mag-stick na lang tayo among Kapuso stars.

Sina Alden Richards at Dingdong Dantes ang maingay na choices ng netizens at nakikitaan nilang bagay raw.

At kung may gaganap na Song Hye Kyo o si Dr. Kang a.k.a. Beauty, sina Maine Mendoza at Marian Rivera ang choice nila.

Natanong din si Alden tungkol dito nang magkaroon siya ng thanksgiving party para sa entertainment press. Pero ayon kay Alden, wala pa naman siyang natatanggap na offer o nababanggit sa kanya tungkol sa DOTS.

Kung si Alden ang masusunod, gusto raw niyang gumawa ng mga drama na may konting darkness talaga o yung tipo ng character niya dati sa pelikulang The Road. Marami pa rin Kapuso actresses na hindi pa nakakasama ni Alden.

Kung sakali, gusto raw niyang makapareha rin sina Heart Evangelista, Jennylyn Mercado at Lovi Poe.

“Ang dami pa po,” sey niya.

“Mas okay po yung paiba-iba. Pero siyempre po, with regards to work, tinatanggap ko lang po without questions. Kasi, hindi naman po ako choosy sa trabaho from the very start.

“Being in a different loveteams, iba-ibang experiences din po.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s