Twitter account ni Dennis, na-hack kaya ‘di totoo ang post na pagsisimulan ng isyu

Ni: Rose Garcia

MAY kutob na kaming posibleng na-hack ang Twitter account ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Hindi kasi very Dennis na magre-retweet at magpo-post si Dennis na alam niyang puwedeng pagmulan ng intriga.

Kinukuwestiyon ng isang netizen at naka-tag kay Dennis kung bakit wala raw congratulatory post ang network sa pagka-panalo niya bilang Best Actor at gayundin ng veteran actress na si Gloria Romero sa nakaraang 2018 Metro Manila Film Festival Awards.

dennis t.

Ang comment ng netizen na si @vanbietitas:  “Normally may congratulatory post or ads para sa winners ng Best Actor or Best Actress. No such post yet for @thedennistrillo and Queen Gloria Romero. Anyare @gmanetwork @GMADrama?”

Ang nangyari, lumabas sa Twitter ni Dennis na ni-RT pa niya ito at saka may caption na, “Ganyan kami ka importante sa GMA👍🏽👏🏻

May sumang-ayon at nagkuwestiyon sa GMA kung bakit daw ganun. Pero meron din ang nag-post pa na patunay na hindi totoong binalewala ang pagka-panalo ni Dennis.

So, tama nga ang hula namin, na-hack nga ang Twitter account ng isa sa mga bida ng Cain at Abel. Ang manager ni Dennis na si Popoy Caritativo ang tinanong namin at nakausap si Dennis at sinabi nga nang huli na na-hack daw ang account niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s