Bombshell Sweetie ng Singapore Tori Garcia, isa sa mga pinakilala sa Bahay ni Kuya

Ni: Throy Catan

SINALUBONG ng mga manonood ang pangalawang batch ng Pinoy Big Brother Otso: Adult Edition kahapon, January 7, sa harap ng bahay ni Kuya.

Marami nakatutok, hindi lang mga audience sa labas ng PBB house, kundi sa mga nanonood sa telebisyon at online.  In fact, naging #1 worldwide trending online ang ‪#PBB8SalubongDay2 at ‪#PBBBig8tingSalubong.

Naging usapusapan din sa pagpasok sa bahay ni Kuya ang 24 year-old na model-actress na si Tori Garcia. Binansagan si Tori na Bombshell Sweetie ng Singapore. Siya’y lumaki at nag-aral sa Singapore. Nag-graduate siya sa dalawang kurso sa college: ang Mass Communication at ang Literature.

Ang pangarap ni Tori ay maging isang big star sa Pilipinas. Dahil dito, nagpursigi siya mag-aral ng acting, singing, at modeling. Kahit na pag-aaral ng Filipino ay ginawa niya dahil alam niya na madali niyang maiintindihan kung ano ang mapapasaya sa mga Pilipino.

Bago pa siya nakapasok sa bahay ni Kuya, marami na siyang napatunayan sa showbiz. Dati siyang host ng variety show na Wowowin. Isa siya sa mga cast ng Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa, Kamandag ng Droga (directed by Carlo J. Caparas), Durugin ang Droga (DAD), at ang international film na Turista with Mike Magat. Nakasama rin siya sa ABS-CBN’s top-rated teleseryes like La Luna Sangre at Wildflower. Nag-perform din siya sa isang theater play na may titulong, Solo Para Adultos at nakatanggap ng maraming good reviews.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s