Dennis at Gloria, waging Best Actor at Best Actress sa ’44th Metro Manila Film Festival’; ‘Rainbow’s Sunset, humakot ng awards

Ni: Nora V. Calderon

 

SUCCESSFUL ang Gabi ng Parangal ng 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa The Theater Solaire (Resorts & Casino) last Thursday evening, December 27.

Hosted ito nina Mark Bautista, Yassi Pressman at Xian Lim.

Narito ang mga nanalo sa bawat category mula sa walong official entries:

  • Best Picture – Rainbow’s Sunset (Heaven’s Best Entertainment)
  • Second Best Picture  – Aurora (Viva Films & Aliud Entertainment)
  • Third Best Picture – One Great Love (Regal Films)
  • Fernando Poe Jr. Memorial Award – Jack Em Popoy: The Puliscredibles (CCM Films, M-Zet Productions, APT Entertanment)
  • Gat Antonio J. Villegas Cultural Award – Rainbow’s Sunset
  • Best Director – Joel Lamangan (Rainbow’s Sunset)
  • Best Actress – Ms. Gloria Romero (Rainbow’s Sunset)
  • Best Actor – Dennis Trillo (One Great Love)
  • Special Jury Prize – Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset)
  • Special Jury Prize – Max Collins (Rainbow’s Sunset)
  • Best Supporting Actress – Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset)
  • Best Supporting Actor – Tony Mabesa (Rainbow’s Sunset)
  • Best Child Performer – Phoebe Villamor (Aurora)
  • Best Screenplay – Eric Ramos (Rainbow’s Sunset)
  • Best Musical Score – One Great Love
  • Best Production Design – Rainbow’s Sunset
  • Best Sound Design  – Aurora
  • Best Visual Effects – Aurora
  • Best Cinematography – Aurora
  • Best Float – Jack Em Popoy: The Puliscredibles
  • Male & Female Lucky Star of the Night – Jericho Rosales & Anne Curtis

 

May pakiusap ang thank you speech ni Direk Joel Lamangan ng pelikulang Rainbow’s Sunset sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2018.

“Sa bumubuo ng MMFF, maraming salamat sa pagkilalang ito.  Salamat sa Heaven’s Best, kay Harlene Bautista.  Salamat sa lahat ng tumulong upang mabuo ang pelikulang ito. 

Salamat sa lahat nga aking mga napakahuhusay na artista, ako’y napakapalad na magkaroon ng mga mahuhusay na artista sa pelikulang ito.

“Masarap tanggapin ito pero may konting sakit din.  Sakit dahil masakit, na sa harapan mo, unti-unting tinatanggal ang sinehan ng pelikula mo.

 

“Pero isang panalangin at isang pakiusap, sana sa mga susunod na panahon kung ano yung napag-usapang numero ng mga sinehan na pagpapalabasan ay respetuhin ninyo! Huwag nating ipagkait sa mga manonood ng pelikula, huwag lang nating isipin ang komersiyo. 

Ang pelikula ay isang sining at ang sining ay kaluluwa ng tao, ng bayan.  Huwag lang nating patabain ang bulsa ng lahat ng mga may-ari ng sinehan, patabain natin ang kaluluwa ng ating bayan, ng mga Pilipino.

“Yun lang po, isang panalangin na sana po ay mapakinggan.  Maraming, maraming salamat po.”

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s