Coco, nakaka-good vibes ang ginawang pagpo-promote sa kalabang movies sa MMFF; Anne, sobrang na-touch

Ni: Rose Garcia

NAKAKA-GOOD vibes ang ginawa ni Coco Martin nang batiin niya at i-promote ang mga kalaban niyang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2018.

Nag-post ang bida ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles ng posters ng Aurora ni Anne Curtis at Fantastica ni Vice Ganda at pinuri ang dalawang pelikula.

Caption ni Coco sa poster ng Aurora, “Sana mapanood po ninyo ang pelikula na ito napakaganda po ng pagkakagawa!!! Congrats Mam sa sunod sunod na magagandang pelikula mo!!”

Anne-2

Sa comments section ay sumagot si Anne at nagpasalamat kay Coco at mukhang na-touch talaga.

Sey niya, “Salamat Mister Officer! Huhu. Na touch ako. Thank you!!!! Sana makagawa din tayo one day!! Congratulations din sya buong Team nyo at ang lakas din ng movie nyo!!!!”

Sa Fantastica poster naman na ipinost ni Coco ay nilagyan niya ng caption na “Congrats sa lahat ng bumubuo ng Fantastica napasaya natin ang buong Pilipinas sa araw ng Pasko!!!”

Wala pang ibinibigay na unofficial ranking ang Metro Manila Film Festival committee sa 8 entries na naglalaban pero base sa mga bulungan sa loob ng showbiz, no. 1 ang Fantastica at no. 2 naman ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles nina Coco, Maine Mendoza at Vic Sotto.

vice-ganda

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s