Pangatlong gown ni Catriona Gray sa Miss Universe, pinakita na!

Ni: Throy Catan

HALOS lahat na yata ng suotin ni Catriona Gray ay palaging perfect. Standout si Catriona sa kanyang indigenous-historical-inspired na costume na kung tawagin ay  “LuzViMinda“, at sa very gorgeous na Mayon Volcano-inspired na red gown.

Pero lingid sa kaalaman ng nakakarami, meron daw third gown na hindi pa ni-reveal during the pageant. Ang gown ay pinamagatang “Perla Oriente“. Isa itong high-slit na gown–katulad ang lava-gown ni Catriona— at gold and turquoise ang color theme nito.

Si Mak Tumang ang nagdesenyo ng gown. Siya rin ang nag-design ng dalawa pang gown na nagamit sa Miss Universe. Anya: “Pearl of the Orient Seas is the byname given to our beautiful country, the Philippines. Even our National Hero Dr. Jose Rizal referred the country with this sobriquet in his poem: Mi último adiós.

“Aside from the fact that our country is one of the largest producers of pearls, the Philippines is truly a gem! It is beautiful, enchanting and captivating. Indeed a high value and rare pearl!

“This piece in itself is an extolment of the Philippines. May we always be proud of our roots. May we always treasure and cherish it as this is and will always be our ‘Bayang Magiliw…Perlas ng Silanganan’.”

Truly, nakaka-proud talaga bilang isang Pilipino na makita ang mga Pilipinong nagpamalas ng galing sa kani-kanilang larangan. Nawa’y may marami pang Catriona at Mak na magpapakita ng kanilang talento.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s