Sylvia, gaganap naman na anak sa inang may Alzheimer’s disease sa Christmas episode ng ‘MMK’

NI: Rohn Romulo

MALAPIT talaga kay Sylvia Sanchez ang Alzheimer’s disease, na hanggang ngayon ay hindi pa nabubura sa manonood ang hindi matatawarang husay niya sa pagganap bilang Nanay Gloria sa The Greatest Love na sinusubaybayan pa rin sa Jeepney TV tuwing umaga.

Ngayong Sabado, sa Christmas episode ng Maalaala Mo Kaya, bibida naman si Sylvia kasama sina Boots Anson Roa at Nonie Buencamino na mula sa direksyon ni Nuel Crisostomo Naval at sa panulat ni Arah Jell G. Badayos.

Kasama rin sina James Blanco, Alexa Ilacad, Marc Acueza, Tom Doromal, Axel Torres at Ced Torrecarrion.

Ayon kay Sylvia first time gaganap na anak at nanay nga niya rito sa MMK episode si Ms. Boots at asawa naman niya ulit si Nonie.

mmk-sylvia1

Gagampanan niya ang letter sender na si Jona na bata pa lang nangungulila na sa atensyon at pagkalinga ng isang ina na si Nita.

Inunawa na lang niya dahil sa kanyang mga kapatid at pagiging abala bilang tindera sa Manila ng ina, pero hindi niya alam na nagiging sugapa na rin ito sa pagsusugal.

Magrerebelde siya nang mag-asawa ng maaga para makatakas sa mga problema sa pamilya at nangakong aalagaan niya nang husto ang magiging anak, bagay na hindi nagawa sa kanila ng ina.

Pero kahit na may sarili nang pamilya, inaalala pa rin niya ang ina at nagbibigay ng panahon para sila’y magkasama. Hanggang sa magkalayo sila dahil tumira ang ina sa kanilang mga kapatid na lalaki.

mmk-sylvia3

Nang mamatay ang kanilang ama, nakaranas ng depresyon at labis na kalungkutan, pero palaging nandun si Jona para pasiyahin ang ina kahit na humaharap sila sa matitinding pagsubok.

Hanggang sa mapansin ni Jona na may pagbabago sa inang si Nita, nagiging malilimutin na ito at nawawala na ang sense of direction.       Ang akala niya ay signs of aging lang ito hanggang sa malaman niyang nagsa-suffer na pala ito sa Alzheimer’s disease, kaya siya na ang nag-alaga sa inang may sakit, pero sa kabila nun ay hindi na siya nakikilala.

Bago mag-Pasko nawala ang kanilang ina at matagpuan na kinupkop ng isang good Samaritan, na meron din pala ina na namatay sa naturang sakit.

Tiyak na aagos na naman ang luha ngayong Sabado, lalo ang mga eksena nina Sylvia at Boots, ibang sakit na naman ang ating mararamdaman kung gaano kahirap at matinding sakripisyo ng isang anak na mag-alaga sa inang may matinding sakit, ang pagkawala ng mga alaala.

Lalo na ngayong ilang araw at Pasko na tiyak na maraming makaka-relate, kaya ‘wag na ‘wag ninyong kalilimutang panoorin ngayong Sabado sa MMK sa ABS-CBN 2 na kung saan two weeks ago ang magkapatid naman na sina Arjo at Ria Atayde ang bumida, na napakahusay ang pinamalas na pag-arte, lalo na si Ria na big revealation.

mmk-sylvia5

Aba, kung pareho palang makakalusot sina Sylvia at Ria sa kani-kanilang single performance sa MMK, pwede pa silang maging magkalaban sa susunod na taon.

And speaking of Christmas, after ninyong mag-Noche Buena, puwede nyo nang panoorin ang first episode ng Sylviahera @ CasaNieves.TV. Streaming on Facebook and YouTube starting December 25 @ 12:01 AM.

Na-excite din kami sa rami ng pasabog ni Sylvia sa pagpasok ng 2019.  Meron kasi siyang gagawing afternoon series kasama si Joey Marquez at JM de Guzman, may movie kasama ang sikat na loveteam at may isa pang movie na kukunan sa isang Asian country.

sylviahera.jpg

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s