Sen. Manny, namigay ng pamasko na umabot sa higit na 3 million pesos

Ni: Ruel Mendoza

PILA-BALDE ang mga tao sa Forbes Park residence ni Pambansang Kamao at Senator Manny Pacquiao dahil namigay ito ng pamasko noong December 11.

40th birthday kasi ni Pacman sa December 17 kaya nag-announce ito na mamimigay siya ng maagang pamasko sa mga pupunta sa tahanan nila sa Forbes Park.

Kaya naman tatlong araw daw na may mahabang pila sa labas ng bahay ng mga Pacquiao, kabilang na rito ang mga kasambahay, driver at security guard ng naturang subdivision. Yung iba ay nagsimulang pumila ng alas-tres ng madaling-araw.

Umbot daw sa higit na 3 million pesos ang naipamigay na Pamasko ni Pacman sa mga pumila.

Walang-wala ang P3 million na pinamigay ni Pacman dahil member na siya ng billionaire’s club. May net worth si Pacman na umaabot sa 9 billion pesos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s