Sam, never na pinagselosan ni Direk Paul at supportive sa tandem nila ni Toni

NI: Rose Garcia

SA totoo lang, biglang nag-flashback sa amin yung mga panahong nali-link sina Toni Gonzaga at Sam Milby nang umamin ang dalawa na tila naging M.U. sila or nagkaroon ng mutual understanding sa naging presscon ng 2018 MMFF entry na Marry, Marry Me.

Makalipas nga ang ilang taon ay muling nagsama sa pelikula sina Toni at Sam, this time, with Alex Gonzaga. At hindi na lang bilang leading lady ni Sam si Toni kung hindi producer na rin dahil first venture ni Toni sa film production through her TinCan Production.

Eh, it turns out na ang mismong mister pa ni Toni na si Direk Paul Soriano pala ang nag-suggest na maging leading man nila ni Alex sa Marry, Marry Me.

Kaya na-curious talaga kaming itanong kay Toni kung hindi man lang ba niya nakikitaan si Direk Paul ng selos lalo’t alam nito na nagka-something sila before ni Sam.

paul-toni

Sabi ni Toni, wala raw ganun si Paul.  Hindi raw ito nagseselos kay Sam.

“Cause I remember before, si Paul, noong mag-boyfriend pa lang kami napanood niya yung music video to be specific, napanood niya yung music video na ‘If Ever You’re In My Arms Again’, theme song ng My Big Love.

“Tinawag niya ko na sabi niya, sobrang strong ng chemistry niyo na parang totoo na yung feeling niyo sa isa’t-isa.

“So, sabi niya, ‘ganu’n kalakas ‘yung chemistry n’yo na even me, you made me believe like there’s really something special going on between you.”

Sabi pa ni Toni, kung siya raw, mula nang mag-asawa, magkaroon ng anak ay talagang nag-iba ang outlook sa buhay, mas nag-mature, si Paul daw nakikita naman niya na secured na secured na.

Ayon kay Toni,  “Paul, I think, is in a stage in his life right now that he’s very secured. Very secured na siya as a person, as a husband, especially now na may Seve, parang buong-buo na ‘yung seguridad niya sa buhay.”

Sa isang banda, first filmfest entry pa lang pala ni Toni ang Marry, Marry Me. Never pa raw siyang nakagawa ng pelikula dati na pang-MMFF kaya excited siya na this Christmas, may entry silang magkapatid.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s